^

PSN Palaro

Alcano, kampeon sa World 8-Ball Championships

-
Pinatunayan ni dating AzBilliards Rookie of the Year Ronato "The Volcano" Alcano na siya pa din ang pinaka-aktibong bulkan sa buong mundo matapos dispatsahin ang kapwa Pinoy na si Dennis "Robocop" Orcollo, 11-8 sa katatapos na third annual World 8-Ball Championship noong Huwebes ng gabi sa Al Bashton Hall sa Fujairah, United Arab Emirates

Bagama’t mahina ang naging simula ni Alcano ay nagawa niyang maitabla ang laro sa 2 all ng manalo sa 4th frame.

Dahil sa natamong tagumpay, ibinulsa ni Alcano ang pangunahing premyong $25,000, habang ang runner-up na si Orcollo ay tumanggap ng $12,500. Nakadale naman ang losing semifinalist na si Joven Bustamante ng $6,250.

Bago makapasok sa finals, kinailangan munang idispatsa ni Orcollo ang overseas Filipino worker na si Bustamante 10-5 sa semifinal round para maipuwersa ang all-Filipino finals kay Alcano, na nanaig kay Niels Feijen, 10-4 ng Netherlands noong Miyerkules ng gabi.

Si Alcano, runner-up finish sa Korean 9-ball Open sa Incheon, Korea noong nakaraang buwan ay sinundan ang yapak at achievements ni Wu Chia-ching ng Chinese- Taipei na hinirang na 8-ball at 9-ball winner noong 2005.

AL BASHTON HALL

ALCANO

BALL CHAMPIONSHIP

JOVEN BUSTAMANTE

NIELS FEIJEN

ORCOLLO

ROOKIE OF THE YEAR RONATO

SI ALCANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with