Nagreyna ang 17 anyos na estudiyante ng Pilar National High School sa 1,500M run makaraang maorasan ng limang minuto at 26.1 segundo para sa kanyang kabuuang ikaapat na gold na naging sapat para manumbalik ang Pangasinan sa solong pangunguna.
Matapos malaglag sa ikatlo sa likuran ng Bulacan at Ilocos Norte sa Day 2, dinala uli ni Cardona, na nagwagi din sa 3,000M, 5,000M at 10,000M run, sa tuktok ang Pangasinan na may kabuuang 17 golds, 8 silvers at 8 bronze sa kalagitnaan ng isang linggong kompetisyon.
Nalaglag naman sa ikalawa ang Bulacan na may 11-7-6 habang nasa ikatlo naman ang Baguio City na may 10-12-8 na inani sa event na ito na suportado ng The Philippine STAR, My Vigan Home Hotel, Globe, AMA, Accel, Asia Brewery, Absolute, Negros Navigation at Creativity Lounge.