^

PSN Palaro

Cardona, ibinalik ang Pangasinan sa unahan

-
VIGAN, Ilocos Sur-- Sumandal ang Pangasinan sa impresibong performance ng nakatapak na si Lany Cardona sa track upang makabalik sa unahan ng Central Northern Qualifying Games ng 2nd Philippine Olympic Festival sa Elpidio Quirino Stadium dito.

Nagreyna ang 17 anyos na estudiyante ng Pilar National High School sa 1,500M run makaraang maorasan ng limang minuto at 26.1 segundo para sa kanyang kabuuang ikaapat na gold na naging sapat para manumbalik ang Pangasinan sa solong pangunguna.

Matapos malaglag sa ikatlo sa likuran ng Bulacan at Ilocos Norte sa Day 2, dinala uli ni Cardona, na nagwagi din sa 3,000M, 5,000M at 10,000M run, sa tuktok ang Pangasinan na may kabuuang 17 golds, 8 silvers at 8 bronze sa kalagitnaan ng isang linggong kompetisyon.

Nalaglag naman sa ikalawa ang Bulacan na may 11-7-6 habang nasa ikatlo naman ang Baguio City na may 10-12-8 na inani sa event na ito na suportado ng The Philippine STAR, My Vigan Home Hotel, Globe, AMA, Accel, Asia Brewery, Absolute, Negros Navigation at Creativity Lounge.

ASIA BREWERY

BAGUIO CITY

BULACAN

CENTRAL NORTHERN QUALIFYING GAMES

CREATIVITY LOUNGE

ELPIDIO QUIRINO STADIUM

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

LANY CARDONA

MY VIGAN HOME HOTEL

PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with