Bulacan, umani ng 10 gold sa gymnastics
March 8, 2007 | 12:00am
VIGAN, Ilocos Sur-- Nagpakita ng lakas ang Bulacan sa gymnastics nang humakot ito ng 10 gintong medalya kahapon upang maungusan ang opening day leader Pangasinan sa Central Northern Luzon Qualifying Games ng 2nd Philippine Olympic Festival sa Vigan Youth Center dito.
Binanderahan ng 12 anyos na si Mary Rose Mendoza, nang umani ito ng apat na gintong medal-ya sa tagumpay sa indivi-dual all-around, ribbon, hoop at rope event ng 12 and below rhythmic gym-nastics at tanghaling best performer sa mat.
Muntik na itong maging lima ngunit natalo ito kay Shaira Collado ng Cagayan sa ball event at makuntento sa silver.
Ang maningning na performance ni Mendoza at malaki ang nagawa para sa pagsisikap ng kanyang mga kakampi lalung-lalo na si Rey Lictana na nagsubi ng tatlong gold medals sa 13 and over artistic gym-nastics sa event na ito na hatid ng The Philippine Star, Globe Telecoms, AMA Computer Univer-sity, Accel, Asia Brewery/Absolute, Negros Naviga-tion at Creativity Lounge.
Ang iba pang nakaku-ha ng ginto para sa Bulacan ay sina Regilyn Surio (clubs), Ronelyn Borja (balance beam), at Nikki Ann Bertulfo (balance beam).
Nagpakita din ng lakas ang Ilocos Norte na humakot ng 9 golds, 9 silvers at 8 bronze mula sa 3-golds ni Albert Agaban, dalawa kay Flora Mae Acoba at tig-isa nina Xariah Gelanie Gapuzan at Princess Debrey Reyes.
Umakyat ang Ilocos Norte sa pakikisosyo sa ikalawang puwesto sa Pangasinan na nanalasa sa athletics at nagdagdag pa ng tatlo sa gymnastics.
Nagparamdam din ang La Union na kumabig ng ginto mula sa triple gold performance ni Dawn Irad Millares at umani ng isa ang Pangasinan mula naman kay Jiamare Kawachi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended