Happy Birthday, idol Robert Jaworski!

 Bukas, March 8, ay kaarawan ni basketball legend Robert Jaworski.

Hindi sumali sa politika ngayong taon si Jawo kahit na napakaraming nanghihikayat sa kanya na tumakbo bilang senador.

Napakaraming importanteng bills ang naisulong at naipapasa ni Jawo habang naglilingkod siya sa Senado.

In fact, he was among the very few who performed well in the Senate.

Sa mundo ng basketball, napakarami na ring posisyon ang inialok sa kanya.

Pero lahat tinanggihan niya.

Matataas na posisyon sa ilang sports bodies na pinag-aagawan ng iba, but he declined.

Noong nakaraang unity congress ng SBP at BAP, siya ang nagsilbing guest speaker at marami ang nagsabing ang kanyang inspirational talk ay  naging malaking bahagi  ng magandang kinahinatnan ng congress na yun.

In his own silent way, he continues to be a blessing, source of happiness, and inspiration to a lot of people.

What a lot of people do not know, in his own silent way, marami siyang pinupuntahang hindi na kailangang ipa-diaryo pa o ipagsigawan pa pero ang mga taong  pinupuntahan niya ay nahahatiran  ng labis na kaligayahan at nag-uumapaw na kasiyahang hindi mababayaran.
* * *
Ilang dekada nga ba tayong inaliw at pinahanga ni Jaworski sa basketball?

Ang mga di makakalimutang araw na  nabaliw tayong lahat sa Crispa-Toyota rivalry.

Ang mga napakasasayang araw kung saan sumikat ng husto ang Ginebra San Miguel.

Ang umaalingawngaw na sigawang "Jaworski, Jaworski, Jaworski" saan mang coliseum mapadpad si Jaworski at ang Ginebra San Miguel.

Malilimutan ba natin ang eksenang sa edad na 54 ay naglalaro pa si Jawo sa PBA, na karamihan sa ngayon, sa edad na 30 ay naka-retiro na ang marami sa ating mga professional basketball players?

Marahil nga, ang lahat ng ito’y naiwan na lamang sa alaala ng milyong-milyong basketball fans.

But Jaworski’s legacy will always be a treasure for every basketball and sports-loving fan.
* * *
Nung maging guest kamakailan lang si Jaworski sa Deal or No Deal sa ABS CBN, it gave the show one of the highest TV ratings ever.

Tinutukan ng publiko ang kanyang guesting, isang pagpapatunay na mahal pa rin siyang tunay ng mga Pinoy.

Napapabalitang babalik siya sa PBA bilang coach at marami ang natuwa sa balitang yan.

Noo’y napabalitang pinu-push siya para maging commissioner ng PBA.

Minsan na rin nating narinig na itinutulak din siyang maging chairman ng Philippine Sports Commission.

Nababalita ring magkakaroon na siya ng isang bagong TV show.

Akala ng iba’y tatakbo siya bilang senador ngayong taon pero di naman siya sumabak.

Whatever it is that is in store for the Big J, we don’t exactly  know.

Marahil, may sorpresa sa atin si Jawo in the days to come.

Pero sa ngayon, ang marami pa ring taong humahanga at umiidolo sa kanya ay naghihintay lang.
* * *
Para sa amin, through the years, through the ups and downs, Jaworski has remained to be a one true friend.

Indeed a one and only.

Happy birthday, Jawo!

Show comments