Problema ng mga NSAs matapos na sana
March 7, 2007 | 12:00am
Hanggat maaari ay gusto nang tapusin ng Philippine Olympic Com-mittee (POC) ang proble-ma ng mga National Sports Associations ukol sa mga unliquidated cash advances ng mga ito sa Philippine Sports Com-mission (PSC).
Mismong si POC president Jose "Peping" Cojuangco, Jr. ang nag-sadya sa opisina ni PSC chairman William "Butch" Ramirez noong Biyernes upang linawin ang pag-kakautang na P300,000 ng Philippine Equestrian Federation (PEF) na kanya ring pinamumu-nuan.
Ayon kay Cojuangco, kinuha na niya sa sports commission ang listahan ng mga NSAs na may unliquidated cash advan-ces pa rin hanggang ngayon.
"I’ve got the list of the supposed unliquidated funds. And we have written every NSA on that list to please attend to this and if they need any assistance to come to the POC para matulungan namin sila to get this thing done with once and for all," ani Cojuangco.
Sinabi ni PSC Com-missioner Richie Garcia na may P300,000 pang unliquidated cash advan-ces ang PEF sapul pa noong nakaraang taon.
Kaagad naman itong nilinaw ni Cojuangco sa pagsasabing naplantsa na ng kanyang equestrain federation ang naturang pagkakautang sa PSC.
"Kung kailangang iharap na natin sa COA (Commission on Audit) ito ay iharap na natin para matapos na ito at hindi na palaging nakabitin," wika ni Cojuangco.
Halos kalahati pa sa 43 sports associations ang may unliquidated cash advances pa rin na nabigong solusyunan noong nakaraang taon. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended