^

PSN Palaro

2 Pinoy cue artist nakasisiguro na sa Last 16

-
Dalawang Pinoy cue masters ang nakakasiguro na sa Last 16 habang anim pa ang magtatangka sa pagbabalik-aksiyon ng World 8-ball Pool Championship ngayon sa Last 32 stage sa Fujairah Bustan Centre sa Fujairah, United Arab Emirates.

Makakaharap ng pinapaborang si Efren "Bata" Reyes ang di-gaanong kilalang si James Ortega habang makakaharap naman ni Elvis Calansang si Joybe Vicente sa pares ng all-Filipino match kung saan ang magwawagi ay nakakasiguro sa susunod na round para sa bansa.

Gayunpaman, babantayan ang mga tulad nina reigning world 9-ball champion Ronnie Alcano, dating world No. 1 Francisco "Django" Bustamante at World Pool League champion Dennis Orcollo, na makiki-halubilo kina German Thorsten Hohmann, Thomas Engert at Australian Ben Nunan.

Ang iba pang Pinoy na umaasinta ng puwesto sa Last 16 sina Lee Van Corteza, Mario Tolentino at Joven Bustamante.

Makakalaban ni Corteza ang Dutch na si Nick Van Den Berg, Tolentino laban kay Niels Feijen ng Nether-lands, habang makakasagupa naman ni Joven Bustamante si Farhad Shaverdi ng Iran.

Sa iba pang laban makakatagpo ng Swede na si Marcus Chamat si Japanese Satoshi Kawabata, German Ralf Souquet laban kay Darren Appleton ng Great Britain at Taiwanese Hsia Hui-kai kontra kay German Kevin Becker.

AUSTRALIAN BEN NUNAN

DALAWANG PINOY

DARREN APPLETON

DENNIS ORCOLLO

ELVIS CALANSANG

FARHAD SHAVERDI

FUJAIRAH BUSTAN CENTRE

GERMAN KEVIN BECKER

GERMAN RALF SOUQUET

JOVEN BUSTAMANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with