^

PSN Palaro

Bagong import, bagong coach ibabalandra ng Sta. Lucia

-
Ang Sta. Lucia ang sinasabing team-to-beat sa PBA Fiesta Cup dahil hindi nagalaw ang kani-lang line-up kumpara sa ibang team na nalagasan ng malaki sa pagpapa-hiram ng mga players sa All-Pro national squad ni coach Chot Reyes.

At seryoso ang Real-tors sa kanilang kampan-ya sa season-ending tour-nament na ito ng PBA sa pagpaparada hindi la-mang ng bagong import at bagong coach.

Matagal nang may-import ang Realtors na si Kris Gibbs Smith ngunit hindi sila nakuntento at kumuha uli sila ng bago sa katauhan ni Rock Winston.

Inaasahang naipag-pag na ng 6-foot-5 na si Winston ang jetlag mula sa kanyang mahabang biyahe dahil dalawang araw itong bumiyahe na nagpalipat-lipat ng erop-lano mula sa Argentina.

Hindi ito nagpakita ng bakas ng kapaguran nang mula sa airport ay diretso ito sa scrimmage ng Sta. Lucia ngunit masusukat ang kanyang tunay na galling dahil makakatapat niya si import Shawn Daniels ng Air21 na may karanasan na sa PBA.

Makikilatisan naman si Boyet Fernandez sa kan-yang abilidad bilang coach sa kanyang debut game para sa Sta. Lucia mata-pos niyang palitan si Alfrancis Chua na tata-yong team consultant ng Realtors.

Alas-4:30 ng hapon ang laban ng Realtors at Express sa Araneta Coli-seum at susundan ito ng sagupaan ng Talk N Text at Alaska sa alas-7:20 ng gabi.

Kinuha ng Air21 si Jim-well Torion upang punan ang puwestong binakante ni Ranidel De Ocampo na ipinahiram sa RP team na isasabak sa SEABA at FIBA-Asia Olympic quali-fying tournament.

Ang Talk N Text na naapektuhan ng husto sa pagkawala ng tatlong players na lalaro sa National squad na sina Asi Taulava, Jimmy Alapag at Ren-ren Ritualo, ay sasa-bak naman sa Alaska na nawalan lamang ng Tony dela Cruz sa National squad.

Inaasahang mapu-punan ni import JJ Sullin-ger ang pagkawala ng tatlo.

Balik-PBA import din ang reinforcement ng Aces na si Rossell Ellis.

Samantala, hindi pumasa sa height ceiling na 6-foot-6 ang import ng San Miguel na si Kelly Whitney kaya’t mapipilitan silang maghanap ng ka-palit, dalawang araw bago sila sumabak sa aksiyon.

Si Whitney ay nasuka-tan sa taas na 6’6 7/16 kaya’t hindi ito makaka-laro.

May naka-standby na import ang San Miguel na si Vidal Messiah ayon kay interim coach Biboy Ravanes ngunit may dara-ting pa rin si-lang replace-ment import anumang araw ngayong linggo.   (Mae Balbuena)

ALFRANCIS CHUA

ANG STA

ANG TALK N TEXT

ARANETA COLI

ASI TAULAVA

IMPORT

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with