Bakit?
Ang ganda-ganda ng kanyang nilaro sa opening ng Fiesta Cup na bagamat talo ang Giants ay si James ang namayagpag.
Nagtala ng 28 puntos si James upang banderahan ang kanyang koponan sa loob ng 39 minutos na paglalaro.
Bukod pa sa 83% niya sa freethrows, humakot din ng kabuuang 4 rebounds, 3 assists at 2 steals si Yap.
Sumunod lamang kay Yap ang kanilang import na si Jesse King na may 24 puntos, 17 rebounds 2 assists at 2 steals.
Bilang isang professional player, buo ang loob at nagpakita ng 100% performance si Yap, taliwas sa inaasahan ng marami na magiging apektado ang laro ni James dahil sa problema nila ng kanyang asawang si Kris Aquino.
Ito lamang ang dapat dahil ika nga ng mga taga-showbiz ‘the show must go on’.
Walang kantiyaw na narinig kundi hiyaw at palakpakan. Parang mas dumami pa yata ang fans niya ngayon.
Sino naman kasi ang nagkalat ng tsismis na hindi matutuloy ang kasal?
Haay naku bakit kaya may mga taong masaya kapag may mga taong nagdurusa?
Kaya nga nang makausap namin si Marc sinabi nitong, handa na siya sa anumang intrigang darating dahil nga artista ang kanyang asawa.
"Sabi nga ng mga in-laws ko, maghanda na talaga ako sa ganitong sitwasyon dahil hindi maiiwasan kasi nga artista si Danica," tanging sambit ni Marc.