Sino ang magiging MVP?
March 5, 2007 | 12:00am
Kawawang Mark Caguioa!
Fifty percent na sana ang kanyang tsansa na mapanalunan ang Most Valuable Player award ng 32nd season ng Philippine Basketball Association pero tila makakahulagpos pa sa kanyang mga kamay ang karangalang ito.
Pero ito naman ay para sa isang mas magandang dahilan. Nakabilang siya sa all-professional basketball team na kakatawan sa ating bansa sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) championship na siyang qualifying tournament para sa FIBA Asia Men’s basketball tournament. Ito’y qualifier din para sa 2008 Beijing Olympics.
Iyon kasi ang pangarap ng mga basketball afficionado. Nais nating muling makapaglaro sa Olympics. Huling nangyari ito noong hindi pa naitatatag ang PBA.
So kung saka-sakali, isasaisangtabi ni Caguioa ang kanyang pangarap na maging MVP para sa isang bagay na hindi pa natitikman ng mga manlalarong naging MVP sa PBA.
Nais niyang maging isang Olympian!
Aba’y mas maganda iyan, hindi ba? Kasi nga’y kahit na ang four-time Most Valuable Player na si Alvin Patrimonio ay hindi kumatawan sa bansa sa Olympics.
Isa pa, kung hindi magwawagi si Caguioa bilang MVP sa season na ito, marami pa namang seasons ang darating upang tugisin niya ang award na iyon.
Pero siyempre, yung mga fans ni Caguioa ang nanghihinayang.
Matindi ang performance ni Caguioa sa nakaraang PBA Philippine Cup kung saan nagkampeon ang kanyang koponang Barangay Ginebra. Siya rin ang pinarangalan bilang Best Player of the Conference.
Sa pagtatapos ng Philppine Cup, si Caguioa ang number one sa statistical leaders. Pero hindi na nga madaragdagan ang kanyang statistical points dahil sa hindi siya makapaglalaro sa Fiesta Cup.
Bale pito sa top ten statistical points getters ang bahagi ng National Team at hindi makakapaglaro sa Fiesta Cup.
Hulaan ninyo kung sino ang tatlong manlalarong nasa top ten na patuloy na makakapagdagdag ng statistical points sa Fiesta Cup?
Well, ito’y sina Willie Miller ng Alaska Aces, Kelly Williams ng Sta. Lucia Realty at Arwind Santos ng Air 21 Express. Sina Williams at Santos ay pawang mga rookies.
Kung saka-sakali, may pag-asa ang tatlong ito na mapantayan ang ilang existing records sa PBA. Kung muling magwawagi si Miller ay magiging multi-MVP awardee siya dahil pangalawang beses na siyang mapararangalan. Naging MVP din siya noong 2002.
Kung sinuman kina Williams at Santos ang maging MVP, mapapantayan nila ang record ni Venancio Paras na naging MVP at Rookie of the Year awardee noong 1989.
Magandang habulan ang mangyayari, kung saka-sakali!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended