Tigers hari ng UAAP baseball
March 5, 2007 | 12:00am
Nagbanat ng buto ang University of Santo Tomas (UST) upang hatakin ang 5-3 panalo laban sa Adamson U at makopo ang men’s baseball crown ng UAAP Season 69 matapos ma-sweep ang best-of-three titular series sa Rizal Memorial ball park.
Kung sa Game One ay nagtala ng come from behind na 4-3 panalo ang UST noong nakaraang linggo, mas magaan ang kanilang tagumpay kahapon para sa kanilang ikalawang titulo nitong huling tatlong season at ikalawa sa ilalim ni coach Jeffrey Santiago.
"Talagang pinag-igihan na ng mga bata. Gustong gusto talaga nilang manalo, mahirap na kasi baka makabalik pa ang Adamson," sabi ni Santiago. "Nagbunga ang hard work at prayer namin."
Nakopo ng National University ang konsolasyong third place matapos tanggalan ng korona ang defending champion na University of the Philippines, 4-2, noong Huwebes.
Nakopo ni UST ace pitcher Jonjon Robles ang kanyang ikalawang Most Valuable Player award habang si Mick Rhodes Natividad ng NU ang napiling Rookie of the Year.
Ang iba pang individual awardees ay sina Stefano Gino Baltao at Nico Lorenzo David ng Ateneo at Marvin Malig ng Adamson para sa Most Home Runs; Al-Denn Lozada ng UST, Alexander Tolome ng Ateneo, Christian Galedo ng NU at Gelmart Ilao para sa Most Stolen Bases; si Lozada uli para sa Most Runs Batted In (RBIs); Edward Landicho bilang Best Hitter at Best Slugger habang si Robles ang Best Pitcher.
"‘Di namin makukuha ito kundi kami nagtulung-tulong sa opensa at depensa," sabi ni Robles, 20-gulang na Secondary Education major. "Determinasyon lang talaga at ginaganahan ako kapag nakikita ko ang pagpupursige ng mga teammates ko. Nagpapasalamat din kami kay God, ‘di kami pinabayaan."
Pinagretiro ni Robles ang 11-batters, nagpa-walk ng isa at nagpakawala lamang ng anim na hits sa siyam na innings kumpara sa kanyang counterpart na si Romeo Jasmin na naka-strikeout ng lima, nagpakawala ng 6 na run.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am