^

PSN Palaro

Tanong sa mga kandidato

GAME NA! - Bill Velasco -
Nakabibingi sa pagkawala nito sa usapan ng mga kandidato ay ang sports.

Nakaaalarma dahil, kung ang pananaw nila ay isang luho lamang ang sports, ay walang mapapala ang Pilipinas.

Paano natin masisiyasat ang kakayahan, kaalaman o malasakit ng mga kandidato sa sports? Tandaan natin na ang kalusugan ang pinakamahalaga o kauna-unahang pangangailangan natin sa buhay.

Alamin natin kung sinu-sino ang mga kandidatong may malasakit sa sports.

Una, mga kandidatong walang pakialam sa sports, dahil mapawisan lang, malaking isyu na.

Paano nila maiintindihan ang pangangailangan ng ating mga atleta, kung sila mismo ay palaging nasa silid na naka-aircon, o kaya’y nagagalit kapag naiinitan?

At huwag na nating asahan pang subukan nila ang anumang sports kung saan kinakailangan ng pagkilos.

Pangalawa, mayroon din namang naglaro ng PE sa paaralan, o kaya’y sumali sa intramurals, na umaasta na parang aktibong atleta pa rin sila. Tila walang panahon na lumipas mula pa noong nag-aaral sila, at minsa’y akala nila na kaya nilang gawin ang lahat ng nagagawa nila noon.

Pangatlo, may mga kandidatong naging pambansang atleta’t nagtiyaga na maging kinatawan ng bansa, subalit, dala ng pangangailangan o tawag ng pamilya, ay tumigil upang pumasok sa negosyo o magsilbi sa pamahalaan.

Sila ay may puso para sa atleta’t mga kabataan, pero wala pang nagagawa para tumulong.

Pang-apat, may mga kandidatong nagbibigay ng salapi sa mga varsity team ng kanilang paaralan, o kaya’y may sinusuportahang commercial team. Ito’y mga isponsor o donor na madalas ay mataas ang posisyon o kaya’y may-ari ng korporasyon na kayang magpondo ng mga national team. Wala tayong masasabing masama sa kanila, dahil madali din naman nilang ilagay sa iba ang pera, pero pinili nila ang sports.

Panlima’t pinakamataas sa ating talaan, ang kandidato ba’y may iminungkahi o nagawang batas na nagbabago sa pagpapatakbo sa sports? Hindi sapat sa kanila ang itulak ang iisang koponan, liga o sport. Gusto nilang baguhin ang sistema, para sa kapakanan ng lahat.
* * *
Abangan ang programang The Basketball Show: Upgrade sa Basketball TV, ganap na alas-3 ng hapon. 

ABANGAN

ALAMIN

BASKETBALL SHOW

PAANO

SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with