^

PSN Palaro

Pacquiao, ‘di dapat pasukin ang mundo ng pulitika

-
Matapos buskahin sa Cebu City noong Sabado, inulan naman ng panghihiya sa internet si Filipino world boxing hero Manny Pacquiao. 

Ito, ayon sa ilang boxing experts, ay dahil na rin sa pagkadismaya ng mga Pinoy kaugnay sa desisyon ng 28-anyos na si Pacquiao na tumakbo sa pagiging Congressman ng General Santos City kung saan niya makakalaban si incumbent Rep. Darlene Antonino-Custodio sa darating na eleksyon sa Mayo. 

Sa isang ulat sa www.boxingconfidential.com, ilang tagahanga ni "Pacman" ang nagpadala ng kanilang damdamin sa pamamagitan ng kahilingan ritong huwag nang sumali sa pulitika. 

Sa online survey ng naturang boxing website sa United States, ipinakita rito ang 84 percent ng kabu-uang 1,020 na lumahok sa survey ang nagsasabing hindi nila gustong sumabak sa pulitika si Pacquiao. 

Ito rin ang siyang sinabi ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson, kilalang kaibigan ni Pacquiao at tatakbong senador para sa administrasyon.

 "As a friend, I am one of those who are pushing him away (from politics), because whether we admit it or not politics is dirty sometimes and we want him to avoid dirty politics," ani Singson. 

Sa kanyang panonood sa "Moment of Truth" sa Cebu City Sports Com-plex noong Sabado, hindi napigilan ng ilang mano-nood na kantiyawan si Pacquiao, naghahanda sa laban niya kay Mexican Jorge Solis sa Abril 14 sa Alamodome sa San Antonio, Texas. 

Sa kanyang pagtakbo sa eleksyon, tiyak nang mawawala sa ere at mga kalsada ang mga product endorsements ni Pac-quiao bunga na rin ng Fair Election Law na ipina-tutupad ng Commission on Elections. (Russell Cadayona) 

CEBU CITY

CEBU CITY SPORTS COM

DARLENE ANTONINO-CUSTODIO

FAIR ELECTION LAW

GENERAL SANTOS CITY

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with