Sinabi kahapon ni Uichico na hindi pa siya sigurado kung si Rod Nealy, produkto ng Hous-ton Baptist University at naglaro sa European League, ang kanilang ipaparadang import para sa darating na 2007 PBA Fiesta Conference.
"More or less we will be losing about 40 points a game with the absence of Mark and Jay-Jay aside from the 10 rebounds a game from Rudy," ani Uichico. "So we have to get a very good import to complete the team."
Sa paghugot ni Reyes kina Caguioa, Helterbrand at Hatfield mula sa Gi-nebra, na hari sa katata-pos na 2007 PBA Philip-pine Cup, ang Appren-ticeship Program ang gustong ipatupad ng pro league.
Sa naturang progra-ma, papayagan ang mga apektadong PBA teams na makahugot ng ilang amateur players mula sa Philippine Basketball League (PBL) para mapu-no ang kanilang line-up.
"I don’t know what is going to happen with that Apprenticeship Program," sabi ni Uichico. "Basta the import will be the key in the forthcoming Fiesta Confe-rence. Habang hindi ko pa siya (Nealy) nakikitang maglaro on an actual game, hindi pa ako maka-kapagdesisyon."
Bukod kina Caguioa, Helterbrand at Hatfield, ang iba pang isinama ni Reyes sa RP Team ay sina Danny Seigle at Dondon Hontiveros ng San Miguel, Asi Taulava, Jimmy Alapag at Ren-Ren Ritualo, Jr. ng Talk ‘N Text, Tony Dela Cruz ng Alaska, Kerby Raymundo ng Purefoods, Mic Pennisi ng Red Bull at Ranidel De Ocampo ng Air 21.
Ang Nationals ay isasabak sa Southeast Asia Basketball Associa-tion (SEABA) Champion-ships sa Mayo sa Bang-kok, Thailand at sa FIBA-Asia Championships sa Hulyo sa Tukoshima, Ja-pan ang qualifying event patungo sa 2008 Olympic Games sa Beijing, China.
Pitong koponan ang maghahanap ng appren-tice players para maglaro sa nalalapit na Fiesta Cup.
Ang Talk N’ Text ang unang kukuha sa draft kasunod ang Barangay Ginebra, San Miguel Beer, Alaska Aces, Air21, Pure-foods Chunkee at Red Bull.
May dalawampu’t apat na manlalaro, karamihan galing sa NBC at MVBL ang makakasama sa draft tulad nina Louie Benn Medalla, John Eric Coro-nado, Jethrone Recus-todio, Norberto Farochilen at Donald Tadena ng MP GenSan, Melvin Mamac-lay at Julito Umandan ng Pagadian Explorers, Dennis Concha, Jonjon Gonzaga at Nathaniel Cruz ng Valencia Golden Harvest, Roel Balgos ng Toyota Iloilo Warriors, Eduardo Allado at Weland Munoz ng Tagaytay Spring, Roberto Barnzon at Mike Gonzales ng Quezon Villa Anita, Yogi Veranga at Roland Lamo-cha ng Montana Pawn-shop at mga walk-in na sina Mong Magdadaro, Romel Cesar, Kevin Daniel Dalafu, Luis Pala-ganas, Michael John Calomot, Prince Lord Cayetano at Raphael Fabie.
Kaugnay nito, nagpa-hayag ng suporta ang Philippine Basketball League sa pamumuno ni PBL commissioner Chino Trinidad sa Apprentice-ship Program ng PBA.
Sa ipinadalang sulat ni Trinidad kay PBA com-missioner Noli Eala, sinabi nitong handa silang mag-pahiram ng kanilang players para sa Appren-ticeship Draft ng PBA ngayon para na rin sa kapakanan ng National team. (MBalbuena)