Hindi lang PBA at PBL, pati ang UAAP at NCAA ay kabalikat
February 23, 2007 | 12:00am
Hindi lamang ang Philippine Basket-ball Association (PBA) o maging ang Philippine Basketball League (PBL) ang babalikat sa itatayong Philippine team na isasabak sa international tournaments tungo sa pinapangarap na Olimpiyada.
Bagamat inako ng PBA ang repon-sibilidad sa pambansang koponan sa pamamagitan ng pagpapahiram ng kanilang mga players para sa All-pro squad, may parte pa rin ang PBL maging ang University Athletics Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletics Association (NCAA).
Ito’y base sa ‘apprenticeship program’ ng PBA kung saan maaaring kumuha ng amateur players ang mga PBA ballclubs para maging ‘panakip butas’ sa mga mawawalang players sa kanila dahil hindi na palalaruin ang mga ito sa ikalawang kumperensiya ng PBA na Fiesta Cup.
"We made it very clear na hindi lang ang PBA ang bubuhat ng basketball. The whole point will reach down to the amateur and collegiate level. Hindi lamang sa PBL kundi aabot din sa UAAP at NCAA," pahayag ni BAP Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny Pangilinan.
Nakiusap din si Pangilinan sa mga stakeholders na dapat magkaroon ng pagkakaisa lalo pa’t pormal nang binawi ng International Basketball Federation o ng FIBA ang suspensiyon sa bansa na produkto ng ‘unity efforts’ ni Pangilinan.
"Sana they will think of it as national inte-rest," ani Pangilinan. "Principle of unity must be adhered not only in paper but also in spirit."
Ang pinakamalapit na torneong parating ay ang Southeast Asian Basketball Asso-ciation (SEABA) championship sa darating na Mayo sa Kuala Lumpur Malaysia at ibini-gay kay coach Chot Reyes ang responsibili-dad sa pagbuo ng kompetitibong koponan.
Pipili si Reyes ng 12 pro players at inaasahang maaapektuhan ng husto ang PBL dahil inaasahang dito kukuha ang mga PBA teams ng pamalit na players.
Ang champion team sa SEABA tourna-ment ay papasok sa FIBA-Asia champion-ships kung saan ang top-two teams ay papasok sa Olympics sa 2008 sa Beijing, China. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am