Ito ay matapos mabigo si Viloria na makakuha ng transit visa na kailangan upang makabiyahe siya patungong Pilipinas mula Bogota, Columbia via Amsterdam flight kamakalawa.
Sa kabiguan ni Viloria na makarating sa bansa, ihaharap naman kay Bautista si Mexican Marino Montiel Gonzales, isang dating light flyweight boxer na umakyat na sa bantamweight division.
Ang banggaan nina Bautista at Gonzales ay inaprubahan na ng World Boxing Organization (WBO).
Pag-aagawan nina Bautista at Gonzales ang WBO Intercontinental super bantamweight crown at ang WBO Youth super bantamweight title sa kanilang laban sa Pebrero 24 sa Cebu City Sports Complex.
Ibinabandera ni Bautista ang 21-0 win-loss ring record, kasama rito ang 19 knockouts, samantalang tangan naman ni Gonzales ang 29-8 (15 KOs).
Nanggaling si Bautista, pinahanga sina world boxing champions Oscar Dela Hoya, Bernard Hopkins at Sugar Shane Mosley, sa isang 4th round TKO kay Brazilian champion Giovanni Andrade noong Disyembre 2 sa Tampa, Florida.
Sa naturang panalo, sinabi ni Dela Hoya na si Bautista na ang susunod na Manny Pacquiao ng Pilipinas. (Russell Cadayona)