^

PSN Palaro

Pagtutulungan ng POC at PSC pinuri ni Elizalde

-
Ikinasiya ni Francisco Elizalde, kina-tawan ng International Olympic Com-mittee (IOC) sa Pilipinas, ang pagtutulu-ngan ng Philippine Olympic Committee (POC) at ng Philippine Sports Commis-sion (PSC).

Ayon kay Elizalde, mas madaling mareresolbahan ang anumang proble-ma sa mga national athletes, coaches at sports associations sa pagkakaisa ng POC at ng PSC.

"It’s much easier to work towards maintaining discipline and proper ethics if both parties work together," wika ni Elizalde matapos dumalo sa pulong ng mga sports officials ng POC at PSC noong Lunes.

Sa nasabing pulong, itinayo ng POC at ng PSC ang Ethics Committee, Fund-Raising Committee at ang Athletes and Coaches Committee.

Ang Ethics Committee, ayon kay POC deputy secretary-general Mark Joseph ng swimming, ang siyang mag-aaral sa mga reklamong isasampa ng atleta, coach at isang National Sports Association (NSA).

Sinabi ni Elizalde na sa parte ng sports commission tiyak na magkakaro-on ng maraming problema.

"Since the PSC obviously handles a lot of the funding of these NSAs and this is usually an area where possible viola-tions take place," sabi ni Elizalde sa sina-sabing mga unliquidated cash advances ng mga sports associations mula sa PSC.

Kinatigan rin ni Elizalde ang pagpa-padala ng bansa ng mga kuwalipika-dong mga atleta para sa 24th Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyem-bre. (Russell Cadayona)

vuukle comment

ANG ETHICS COMMITTEE

ATHLETES AND COACHES COMMITTEE

ELIZALDE

ETHICS COMMITTEE

FRANCISCO ELIZALDE

FUND-RAISING COMMITTEE

INTERNATIONAL OLYMPIC COM

MARK JOSEPH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with