Hamon ng Mexicano pinagtawanan ni Gorres

 Pinagtawanan la-mang ni Filipino super fly-weight champion Z "The Dream" Gorres ang paha-yag ni Mexican world super flyweight titlist Fernando Montiel na kaya siyang pabagsakin sa loob lamang ng isang round. 

Ayon kay Gorres, hindi mangyayari ang naturang prediksyon ni Montiel, ang kasalukuyang super fly-weight ruler ng World Boxing Organization (WBO). 

"Paano mangyayari ‘yon eh nasa top shape ako. Napanood ko na rin ang mga fight tapes niya at alam ko na kung ano ang gagawin ko pagdating ng laban namin," wika ni Gorres sa kanyang pag-hahamon kay Montiel.

 Nakatakda ang "Mo-ment of Truth" sa Pebrero 24 sa Cebu City Sports Complex kung saan tatayong main event ang Montiel-Gorres cham-pionship fight bukod sa upakan nina super ban-tamweight sensation Rey "Boom Boom" Bautista at Feider Viloria ng Colum-bia. 

Nakatakdang duma-ting si Viloria ngayong araw mula sa Amsterdam matapos maiwanan ng eroplano noong Sabado.

Sa kauna-unahang pagkakataon, magka-kaharap ng personal sina Gorres at Montiel sa idaraos na press confe-rence sa Waterfront Cebu City Hotel sa Huwebes bago ang kanilang official weigh in sa Biyernes sa Rajah Park Hotel. 

Samantala, nakatakda namang dumating bukas si WBO president Paco Valcarcel, ang nag-utos kay Montiel na labanan si Gorres para sa kanyang mandatory title defense. 

Matatandaang idinahilan ni Montiel ang pagbabago ng petsa ng kanilang laban ni Gorres para sa kanyang pag-atras sa naturang laban. (RC)

Show comments