PBL Selection, alok ng PBL para sa 24th SEAG
February 20, 2007 | 12:00am
Isang PBL Selection ang inialok ni Philippine Basketball League (PBL) Commissioner Chino Trinidad para sa 24th Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre ng 2007.
Ayon kay Trinidad, hangad ng amateur league na makatulong sa pagbubuo ng isang national team na isasa-bak ng Basketball Asso-ciation of the Philippines-Samahang Basketbol ng Pilipinas (BAP-SBP) sa 2007 Thailand SEA Games.
"Sa pagtatapos ng gulo sa basketball, we might just be able put up a team for the 2007 Thai-land Southeast Asian Games," ani Trinidad. "Tutulong tayo sa pag-bubuo ng team for the 2007 SEA Games. "Sapul noong 1991 Manila SEA Games, ang mga Filipino cagers na ang nagdodomina sa men’s basketball event ng nasabing biennial event.
Nahinto lamang ito noong 2005 nang pata-wan ng FIBA, ang inter-national basketball fede-ration, ng suspensyon ang Pilipinas bilang miyembro bunga ng pagkakasibak ng Philip-pine Olympic Committee (POC) sa BAP noong Hunyo ng 2005.
Ang pagbubuo ng isang national training pool na ilalahok sa mga international tourna-ments ang isa sa mga bagay na naging dahilan ng pagkakatanggal ng BAP.
Dahilan sa suspen-syon, hindi pinayagan ang bansa na maka-pagdaos ng basketball event noong 2005 SEA Games at hindi rin nakapagpadala ng tropa sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar noong 2005.
Sa inaasahang pag-kakaalis ng FIBA ng sus-pensyon sa bansa, ang SEABA Tournament sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Mayo, ang FIBA-Asia Championships sa Sai-tama, Japan sa Agosto at ang 2007 SEA Games sa Thailand sa Dis-yembre ang tatlong torneong lalahukan ng RP 5 ngayong taon.
"Ang SEA Games na lang ang tanging interna-tional tournament na pinaghaharian natin sa ngayon at hindi na ito dapat mawala pa sa atin," sabi ni Trinidad. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended