^

PSN Palaro

UP sa softball finals ng UAAP

-
Dinispatsa ng University of the Philippines (UP) ang University of Santo Tomas (UST), 3-1, nitong Sabado upang makausad sa finals ng UAAP Season 69 women’s softball laban sa defending champion Adamson University.

Ang men’s baseball semifinals na nakatakda kahapon sa Rizal Memorial diamond ay kinansela matapos iprotesta ang Ateneo player na si Michael Justine Zialcita, na kinukuwestiyon ang citizenship dahil sa ito diumano’y US citizen.

Magkakaroon ang UAAP board ng emergency meeting nayon para talakayin ang isyu kay Zialcita na lumaro sa Blue Eagles, No. 4 pagkatapos ng eliminations na may 3-5 record at nakatakdang humarap sa Adamson, ang No. 1 team na may 5-3, sasemifinals. Sa isa pang semis matct ay UP versus UST.

Kinailangan ng Lady Maroons ng extra inning laban sa Tigresses sa Rosario Sports Complex na parehong hindi pamilyar ang magkabilang koponan.

Ang UP, No. 2 sa likod ng Adamson papasok sa Final Four, ay may twice-to-beat kontra sa UST (No. 3) sa semifinals na napakinabangan nila matapos makahirit ang Tigers ng sudden death game sa pamamagitan ng 2-1 panalo. Binokya naman ng Adamson ang UE (No. 4) sa isa pang semis slot.

Ang Game-One ng best-of-three finals ay nakatakda sa alas-10:00 ng umaga sa Miyerkules sa Rosario Sports Complex kung saan tangka ng Adamson ang ika-6 titulo at ika-8 naman sa Adamson.

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON UNIVERSITY

ANG GAME-ONE

BLUE EAGLES

FINAL FOUR

LADY MAROONS

ROSARIO SPORTS COMPLEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with