At dahil dito, sigura-dong mas magiging mainit ang aksiyon sa kasalu-kuyang championship showdown ng Gin Kings at San Miguel Beer para sa korona ng 2007 Talk N Text-PBA Philippine Cup.
Lumabas ang galing ng Ginebra na nagdala sa kanila sa pagiging No. 1 team sa classification round sa nakaraang Game-Three upang ma-kaiwas sila sa alanganing sitwasyon.
Naging maamo ang Gin Kings sa unang dala-wang laro.
Ang una ay magaang pinagwagian ng SMBeer sa 118-94 panalo at sa Game-Two ay hindi pa rin nakaporma ang Ginebra, 104-101 sa likod ng pag-babalik aksiyon ni Eric Menk bagamat wala pa rin ito sa dating porma.
Ngunit kamakalawa, kakaibang Ginebra ang nakalaban ng San Miguel. Isang impresibong 131-101 ang ipinoste ng Gin Kings sa Cuneta Astro-dome upang makalapit sa best-of-seven serye sa 1-2 panalo-talo.
"We just played they way we should," ani Ginebra coach Jong Uichico na medyo naka-hinga na ng maluwag dahil nagkaroon ng liwanag ang kanilang championship series.
Ang pares nina Mark Caguioa at Rudy Hatfield pa rin ang naasahan ni coach Jong Uichico ngunit may lumitaw na Rafi Reavis na sumingasing sa ikatlong quarter upang makalayo ng husto ang Ginebra tungo sa kanilang tagumpay.
Kailangan lang ma-mintina ng Ginebra ang kanilang intensibong laro patungo sa Game-Four ngayon sa pagbabalik ng aksiyon sa Araneta Coliseum.
"Now, we have a legiti-mate chance and winning the series," pahayag ni Uichico. "They (Beer-men) know that if we tie this, the pressure will now be on them."
Unti-unti nang nakaka-balik ang dating laro ni Menk na kagagaling lamang sa injury.
Matapos ang 4-puntos na produksiyon nang magbalik aksiyon ito, nag-improve ito sa 12-point sa kanilang naka-raang tagumpay.
At kung magtutuluy-tuloy ito ay may dagdag na problema ang San Miguel na patuloy na hindi nakaasa sa injured na si Danny Ildefonso na nag-hihintay pa ng ‘go-signal’ para makalaro ito.
Magkakaroon ng break ang serye dahil walang laro sa Linggo kaya’t may apat na araw para magpahinga at ma-kapaghanda ang magka-bilang koponan para sa Game-Five sa Miyerkules. (Mae Balbuena)