Sa kanyang 21 profes-sional fights, apat rito ay pinabagsak ng 23-anyos na si Viloria sa first round, samantalang siyam na-man rito ay kanyang inilis-ta sa second round.
Sa kanyang ika-11 laban noong Agosto 29, 2005, tinalo si Viloria ni Roniet "The Horse" Ca-ballero sa fifth round kung saan ginamit ng huli ang kanyang malakas na katawan at solidong mga suntok sa katawan ng Columbian fighter.
Ayon sa 19-anyos na si Bautista, kaya niyang tapatan ang mga suntok ni Viloria.
"Sa tingin ko naman kaya ko ang mga suntok niya. Pero sana mapa-bagsak ko siya," wika ni Bautista, may 21-0 win-loss ring record at ina-asahang tatanghalin ring isang world boxing champion.
Target ni Bautista ang nakatayang World Boxing Organization (WBO) Inter-continental super bantam-weight crown at ang WBO Youth super bantam-weight title.
Tangan ni Viloria ang Antioquian WBC Latino super bantamweight belt.
Magkakaharap sina Bautista at Viloria sa "Moment of Truth" sa Pebrero 24 sa Cebu City kung saan itatampok rin ang paghahamon ni Z "The Dream" Gorres kay WBO bantamweight champion Fernando Montiel. (RCadayona)