^

PSN Palaro

Peñalosa mag-eensayo na

-
Para paghandaan ang kan-yang world championship fight, sisimulan na ni Filipino fighter Gerry Peñalosa ang kanyang pag-eensayo sa Wildcard Bo-xing Gym ni trainer Freddie Roach sa Hollywood, Califor-nia.

Nakatakdang hamunin ng 34-anyos na si Peñalosa si Da-niel Ponce De Leon para sa suot nitong World Boxing Or-ganization (WBO) super ban-tamweight crown sa Marso 17 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada. 

 "Ibibigay ko na ang lahat ng makakaya ko para manalo dito sa laban na ito," sabi ng Cebuano warrior. "Kumbaga, ito na ‘yung last chance ko para maging isang world champion ulit." 

Ang naturang super ban-tamweight fight nina Peñalosa at Ponce De Leon ay tatayong un-dercard sa Marco Antonio Barrera-Juan Manuel Marquez super featherweight bout.

Si Barrera, tinalo ni Manny Pacquiao sa kanilang "Peo-ple’s Featherweight Cham-pionship" noong Nobyembre ng 2003 sa Alamodome sa San Antonio, Texas, ang kasa-lukuyang super featherweight champion ng World Boxing Council (WBC).  

Iaakyat ng kaliweteng si Pe-ñalosa sa boxing ring ang kan-yang 51-5-2 win-loss-draw re-cord, tampok rito ang 34 knock-outs.

Huling naging biktima ni Pe-ñalosa, dating naghari sa super flyweight class ng WBC, si Mauricio Martinez ng Columbia matapos umiskor ng isang 9th round TKO noong Oktubre 21 ng 2006 sa Don Haskins Cen-ter sa El Paso, Texas.

Tatlong magkakasunod na knockdowns naman ang kinuha ni Ponce De Leon sa kanyang huling mga laban kina Al Seeger (8th round TKO), Sod Looknongyantoy (58 se-gundo sa 1st round) at Gerson Gurerrero (2nd round KO).

Bukod kay Peñalosa, kasa-ma rin sa undercard ng Bar-rera-Marquez fight si Filipino Diosdado "The Prince" Gabi. (RCadayona)

vuukle comment

AL SEEGER

DON HASKINS CEN

EL PASO

FEATHERWEIGHT CHAM

FILIPINO DIOSDADO

PONCE DE LEON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with