^

PSN Palaro

Tinapos ni Mamiit

-
Para masiguro ang tagumpay ng RP team, ginawa nang lahat ni Cecil Mamiit upang makuha ang krusyal na panalo.

Ginamit ni Mamiit ang kanyang malawak na karanasan sa tennis nang upang igupo si Aqeel Khan, 6-1, 6-3, 6-2, tungo sa 4-1 panalo ng Philip-pines kontra sa Pakistan sa Davis Cup Asia Ocea-nia Group II tie na nagta-pos sa Rizal Memorial Tennis Center kahapon.

Walang tigil sa pag-hahabol ang 30-gulang na Fil-Am sa lahat ng tira ng No. 1 netter ng Pakistan upang makopo ang pana-lo at masiguro ang tagum-pay ng RP Davis Cuppers.

Sapat na ang panalo ni Mamiit na siyang may malaking papel sa tagum-pay ng mga Pinoy, para makausad sa ikalawang round ang RP kung saan makakalaban nila ang mananalo sa New Zea-land-Pacific Oceania tie sa Abril.

Tinapos ni PJ Tierro ang pananalasa ng mga Pinoy sa ikalawang re-verse singles sa pamama-gitan ng 6-3, 6-0 panalo laban kay Jalil Khan.

"It was a pleasure to see everybody smile and come out here to support us," wika ni Mamiit na tumapos ng laban sa loob ng dalawang oras. "I hope we could get into the World Group in two years time."

Binuksan ni Mamiit ang kampanya ng bansa sa pamamagitan ng 6-1, 6-0, 6-1 panalo laban sa No. 2 player ng Pakistan na si Jalil Khan noong Biyernes ngunit nabigo ang kanyang partner na si Eric Tainio kay Aqeel, 6-4, 0-6, 7-6, 7-5 sa tatlong oras na laban.

Nakuha ng mga Pi-noy netters ang 2-1 ben-tahe sa pamamagitan ng 5-7, 6-4, 6-1, 6-3 panalo nina Mamiit at Taino laban kina Aqeel at Asim Sha-fik.

Kailangan pang mana-lo ng dalawang ties ng Philippines para maka-balik sa Group 1 sa susu-nod na taon.

Huling nakalaro sa Group 1 ang RP noong 1995. Nakarating sa qualifying round para sa world Group ang bansa noong 1991 bagamat nanalo na ang RP sa Eas-tern Zone noong 1957, 1958, 1960 at 1964 sa pamamagitan ng mahu-say na tenistang si Feli-cisimo Ampon.

"I’m very fortunate to be a Filipino," sabi pa ni Mamiit na ipinanganak at lumaki sa Los Angeles. "I’m brown and proud." Kasama din sa team sa ilalim ni coach Martin Misa si Johnny Arcilla ngunit hindi ito nakalaro. (Mae Balbuena)

vuukle comment

AQEEL

AQEEL KHAN

ASIM SHA

CECIL MAMIIT

JALIL KHAN

MAMIIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with