^

PSN Palaro

Hapee vs Harbour Centre sa PBL Finals

-
Naulit na naman ang kasaysayan.

Ipinakita ng Harbour Centre na kaya nilang ulitin ang ginawa nila sa Toyota Otis noong naka-raang taon matapos ang 92-81 panalo sa deciding Game-Five ng kanilang semifinal series upang angkinin ang ikalawa at huling finals slot ng 2007 PBL Silver Cup sa ma-aksiyong labanan sa Olivarez Sports Center kagabi.

Hindi titulo ang naka-taya ngayon ngunit gani-tong-ganito rin ang nang-yari sa Unity Cup noong nakaraang taon.

Baon na rin ang Port Masters sa 1-2 deficit sa serye ngunit nagawa nilang makabangon mata-pos ipanalo ang dalawang sunod na laro upang angkinin ang titulo.

At ito ay dahil sa kaba-yanihan ni Chico Lanete, ang susi sa kanilang 86-83 panalo sa Game-Four na nagpuwersa ng sud-den death match na ito at siya ring bayani sa kani-lang tagumpay kahapon.

Tumapos si Lanete ng 22-puntos, anim na assists, limang rebounds at isang steal matapos umiskor lamang ng apat na puntos sa first half, upang iselyo ng Port Masters ang best-of-five semis series sa 3-2 panalo-talo tungo sa kanilang ikalawang finals appearance.

Bunga nito ay maka-kaharap nila ang nauna nang finalists na Hapee-Philippine Christian Uni-versity sa isa na namang best-of-five titular show-down.

Nakarating sa finals ang Hapee-PCU matapos dispatsahin ang Mail & More Comets, sa kani-lang sariling best-of-five serye sa 3-1 panalo-talo.

Pinagbidahan ni La-nete ang 17-7 run upang makalayo ang Port Masters sa 80-69 papa-sok sa huling 2:52 minuto ng laro.

Magsisimula ang finals sa Miyerkules sa Olivarez Sports Center kung saan maghaharap muna ang Mail & More at Totoya Otis para sa konsolasyong third place bago ang opening game ng titular showdown ng Hapee-PCU at Harbour Centre. (Mae Balbuena)

vuukle comment

CHICO LANETE

HAPEE

HAPEE-PHILIPPINE CHRISTIAN UNI

HARBOUR CENTRE

MAE BALBUENA

MORE COMETS

OLIVAREZ SPORTS CENTER

PORT MASTERS

SILVER CUP

TOTOYA OTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with