^

PSN Palaro

Mamiit nalo, Taino talo

-
Naghati sa puntos ang Philippines at Pakistan sa dalawang singles mat-ches ng Davis Cup Asia-Oceania Group II tie sa Rizal Memo-rial Tennis Center kahapon.

Naasahan ng RP Davis Cup team ang Fil-American netter na si Cecil Mamiit na umiskor ng 6-1, 6-0, 6-1 panana-lasa sa No. 2 ng Pakistan na si Jalil Khan.

Gayunpaman, naka-bawi naman ang mga dayuhan sa pamamagi-tan ng 6-4, 0-6, 7-6 (1), 7-5 panalo ng No. 1player ng Pakistan na si Aqeel Khan sa isa pang Fil-Am na si Eric Taino.

Dahil tabla sa 1-1 ang best-of-five matches na ito, krusyal ang doubles matches ngayon.

Sa schedule ngayon na magsisimula sa ala-una ng hapon, makakasa-gupa nina PJ Tierro at Johnny Arcilla sina Aqeel Khan at Asim Shafik ngu-nit maaari pa ring palitan ang line-up bago mag-simula ang laban.

"I was nervous coming out here today," wika ng 30-gulang na si Mamiit na naka-base sa Los Ange-les. "Thank you for coming and for the support. But I guess we still need to pump up the crowd a little bit."

Tumagal ang laban sa loob ng isang oras at 11-minuto. Hinayaan lamang ng 24-gulang na si Mamiit na ma-hold nito ang kanyang serbisyo sa ika-anim na game sa third set ngunit ito na lamang ang nagawa ng Pakistani bago nito kunin ang set point sa pamamagitan ng ace.

Ang reverse singles ay nakatakda bukas simula sa alas-10 ng umaga kung saan makakaharap ni Mamiit si Aqeel at Taino kontra kay Jalil.

Ang mananalo sa tie na ito ang sasagupa sa winner ng tie sa pagitan ng New Zealand at Pacific Oceania sa semifinals ng group.

Ang matatalo ay babag-sak sa relegation tie laban sa matatalo sa New Zealand-Pacific Oceania kung saan paglalabanan ang karapa-tang manatili sa Group II sa susunod na taon. (MB)

AQEEL KHAN

ASIM SHAFIK

BUT I

CECIL MAMIIT

DAVIS CUP

DAVIS CUP ASIA-OCEANIA GROUP

ERIC TAINO

JALIL KHAN

JOHNNY ARCILLA

MAMIIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with