Ang naturang pagpunta ng 28-anyos na si Pac-quiao ay upang panumpain ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang miyembro ng administration party na Kabalikat para sa Mamamayang Pilipino (KAMPI).
Sa kanyang pagiging miyembro ng KAMPI, tatayo si "Pacman" bilang district chairman ng naturang partido sa General Santos City.
Nauna nang inihayag ni Pacquiao na gusto niyang mabigyan ng magandang buhay at matulungan ang kanyang mga kababayan sa General Santos City kung saan niya inaasahang makakalaban ang ninong niya sa kasal na si incumbent Mayor Pedro Acharon, Jr. "Gusto ko lang talaga na makatulong sa aking mga kababayan sa GenSan," wika ng pinakapopular na atleta sa bansa. "Kung mananalo ako, at least matutu-lungan ko na sila talaga ng tuluyan."
Niliwanag rin ni Pacquiao na hindi makakaapekto sa kanyang political ambition ang darating niyang laban kay Mexican featherweight champion Jorge Solis sa Abril 21 sa Alamodome sa San Antonio, Texas.
Ayon kay Pacquiao, hindi pa nakakapagsumite ng kanyang certificate of candidacy, sisimulan niya ang kanyang ensayo ngayong buwan para paghandaan si Solis.
Si Solis ang napili ng Top Rank Promotions ni Bob Arum na ilaban kay Pacquiao matapos malusaw ang negosasyon kay Korean world featherweight titlist In Jin Chi. (Russell Cadayona)