Inihayag kahapon ng Top Rank Promotions na nahanap na nila ang isang ‘solid Mexican fighter’ na posibleng magbigay ng magandang laban sa 28-anyos na si Pacquiao sa katauhan ni Jorge "Coloradito" Solis.
Ang 27-anyos na si Solis, tubong Guadala-jara, Mexico City ay nagbabandera ng 32-0-2 win-loss-draw ring record para kilalaning national featherweight champion ng Mexico.
"Manny is Bob’s big account, his special fighter and care is being taken so that Manny shined brightly in Texas," sabi ng isang Top Rank insider sa pagpili ni Arum kay Solis, sinasabing gugulpihin lamang ni "Pacman" sa kanilang international super featherweight championship sa Abril 21 sa Alamodome sa San Antonio, Texas .
Matatandaang nagpri-sinta ng kani-kanilang sarili sina Diaz, ang World Boxing Association (WBA) featherweight titlist, at Huerta para maging kalaban ni Pacquiao matapos makansela ang laban nito kay Korean world featherweight ruler In Jin Chi.
Bukod sa laban ni Pacquiao, ang kasalu-kuyang World Boxing Council (WBC) Interna-tional super featherweight king, itatampok rin sa naturang boxing event ang upakan nina Filipino Brian Viloria at Mexican Edgar Sosa para sa bakanteng WBC super flyweight crown.
Bunga ng pagiging positibo sa paggamit ng methamphetamine sa kanilang title fight noong Nobyembre ng 2006 sa Las Vegas, hinubaran ng WBC belt si Omar Nino ng Mexico na nagbigay ng tsansa kay Viloria na mabawi ang naturang korona.
Bukod sa paghahanda kay Solis, magiging abala rin si Pacquiao para sa kanyang kandidatura bilang Mayor ng General Santos City kalaban ang kanyang ninong sa kasal na si Mayor Pedro Acha-ron, Jr. (RCadayona)