^

PSN Palaro

Walang kapa-kapatid sa championship

-
Ito ang ika-10 na biya-he ni coach Jong Uichico sa Finals ngunti sa kauna-unahang pagkakataon, hindi niya makakasama ang matagal niyang inalagaang San Miguel Beer.

At sa hin-di inaasa-hang pag-kakataon, ang kopo-nang matagal niyang nakasama ang kailangan niyang harapin sa tangka nitong ikapitong titulo.

"Coaching in a game and in a series but not with San Miguel Beer is some-thing new for me," paha-yag ni Uichico na naghatid sa Beermen sa siyam na finals appearances sapul nang hawakan niya ito noong 1999 bago ito lumipat sa Ginebra noong nakaraang taon.

"I love them. It would be difficult for me pero trabaho lang. We will defeat them lovingly," pagbibiro ni Uichico sa press presen-tation ng mga finalists coach sa Emerald Restaurant sa Roxas Boulevard kung saan nakaharap niya si San Miguel coach Chot Reyes.

Siguradong du-dumugin ang isa na namang klasikong championship series sa pagitan ng top-two teams ng liga at magkapatid na kopo-nang Barangay Ginebra at San Miguel Beer para sa titulo ng Talk N Text-PBA Philippine Cup.

Alas-7:20 ng gabi ang opening game ng best-of-seven titular showdown ng Gin Kings at Beermen sa Araneta Coliseum pagkatapos ng sagupaan ng Red Bull at Talk N Text sa isang knockout game para sa konsolasyong third place sa alas-4:35 ng hapon.

Maaring maging ad-vantage kay Uichico ang sitwasyong ito dahil kabi-sado na niya ang lahat ng mga dati niyang players ngunit iba ang kanyang sinasabi dahil sobrang kilala na niya ang mga ito.

Para kay Reyes, baga-mat magiging bentahe sa kanila kung hindi lalaro ang na-injured na si Eric Menk, marami pa rin siyang kailangang intin-dihin.

Samantala, sinabi ni PBA commissioner Noli Eala na hindi ito tatanggap ng kahit na anu mang po-sisyon sa bagong basket-ball association na BAP-Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Ibinibigay kay Eala ang posisyong executive di-rector ngunit sinabi niyang ang taong nararapat sa naturang posisyon ay kinakailangang may sapat na panahon at hindi tulad niyang may iniintinding liga.

Sa iba pang balita, mu-ling gagawing aktibo ang national pool ng PBA ma-tapos magkaroon ng lehitimong basketball association ang bansa.

Nakatakdang kausa-pin ni Eala si Reyes, ang nagmando ng national pool na dating sumusu-porta sa BAP alinsunod sa matagal na pakikipagka-sundo ng PBA ngunit ibinasura na ito ng PBA Board kamakailan la-mang.

Ayon kay Eala, hihin-tayin muna nilang mata-pos ang finals series laban sa Ginebra ni Reyes na nagbalik sa regular coach-ing dahil sa pagkakasus-pindi ng bansa ng FIBA sa mga international tourna-ments.

Hangad ni Eala na mabatid ang mga paniba-gong plano ni Reyes para sa national pool kung saan kukunin ang pam-bansang koponang isasa-bak sa international tour-naments para sa ultimong layunin ng PBA na maka-laro sa Olympics. (Mae Balbuena)

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

CHOT REYES

EALA

EMERALD RESTAURANT

REYES

SAN MIGUEL BEER

TALK N TEXT

UICHICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with