Hapee pasok na

Binigyan ng sorpresa ng Hapee-Toothpaste ang Mail &More at hindi alam ng Comets kung papano rumesponde.

Dahil dito, nakuha ng Teethmasters ang unang finals slot sa PBL Silver Cup matapos ang 88-75 panalo laban sa Mail & More sa Game-Four ng kanilang semifinal series sa Olivarez Sports center sa Parañaque kahapon.

Ang sorpresa ng Hapee-PCU ay si Ronald Bucao na nagpakawala ng 11-puntos sa final canto upang tuluyang ibaon ang Comets at iselyo ng Teethmasters ang best-of-five semis series sa 3-1 panalo-talo.

Sa ikalawang laro, binalikan naman ng Harbour Centre ang pormang pangkampeonato nang kanilang ipuwersa ang deciding Game-Five sa kanilang sariling semis series laban sa Toyota Otis matapos ang 86-83 panalo.

Maagang kumawala ang Port Masters sa pagbibida ni Chico Lanete na kumamada ng siyam sa kanyang tinapos na 17-puntos sa unang quarter na tinapos ng Harbour sa 26-14 kalamangan upang idikta ang tempo ng laro.

Tumapos si J.C. Intal ng 16-puntos at 15 naman kay Ron Capati para sa Port Masters na nagtabla ng kanilang sariling semis series sa 2-2 at ipuwersa ang deciding Game-5 bukas sa parehong ve-nue.

Show comments