^

PSN Palaro

Pagbalik sa Group 1 asam ng Philippine Davis Cup team

-
Nakatakdang abutin ng Philippine Davis Cup team ang panibagong pahina ngayong taon.

Kasama ang ilang talented Fil-Ams at dala-wang matatag na locals, inaasahang magiging maganda ang perfor-mance ng RP team laban sa Pakistan sa Asia-Ocenia Zone Group 2 ties.

Ang mga Pinoy, na binubuo nina SEA Games gold medalists Cecil Mamiit, Eric Taino, PJ Tierro at Johnny Arcilla, ay makakalaban ang mapanganib na Pakistanis sa kanilang kampanyang makabalik sa Group 1 sa susunod na taon. Gayun-paman, hindi ito madali dahil galing na ang Pakis-tanis sa Group 1.

Bunga nito, underdog ang Pinoy sa kanilang laban na nakatakda sa Rizal Memorial Tennis Center.

Idaraos ang drawing ng lots bukas sa Century Park Hotel. Ang unang dalawang singles ay ilalaro sa Biyernes ang doubles sa Sabado at ang reverse singles sa Linggo.

"It’s getting closer each year," patungkol ng 29-year-old na si Mamiit, sa kampanya ng koponan na makabalik sa Group 1 sa susunod na taon.

" We’re at a very high level right now. We’re out to make a statement we’re in good shape" dagdag Mamiit, ranked No. 180 sa mundo, sa PSA Forum sa main function room ng Pantalan Restaurant sa Manila.

"We expect a lot of big things this year and hopefully this is the start. We’re hoping that the people will support us," anaman ni Taino, na sa edad na 31, ay nasa porma pa rin ng kanyang paglalaro sa naturang sesyon na hatid rin ng PAGCOR, Manila Mayor Lito Atienza at Manila Sports Council chief Arnold ‘Ali’ Atienza.

Ang iba pang Asia-Oceania Zone Group 2 teams ay ang New Zea-land, Iran, Kuwait, Hong Kong at Indonesia.

Ang Pakistani squad ay binubuo nina Aqeel Khan, Jalil Khan, Yasir Khan at Asim Shafik.

Ang Pinoy ay iginigiya nina Martin Misa, ang long-time coach ng RP Davis Cup team, at Raymond Suarez.

ANG PAKISTANI

ANG PINOY

AQEEL KHAN

ASIA-OCEANIA ZONE GROUP

ASIA-OCENIA ZONE GROUP

ASIM SHAFIK

CECIL MAMIIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with