^

PSN Palaro

UST sa UAAP men’s at womens tennis title

-
Kinumpleto ng University of Santo Tomas ang title sweep sa men’s at women’s tennis upang palakasin ang kanilang tsansang mapanatili ang general championship sa UAAP Season 69.

Blinangko ng Santo Tomas ang University of the Philippines sa pagsasara ng men’s eliminations noong linggo upang makumpleto ang title sweep na pinarisan ng kanilang women’s team na nagsara ng season sa 4-0 shutout laban sa UP sa tennis competitions na ginanap sa Rizal Racket Club sa Pasig City.

"This year’s twin championship was a big surprise for me because almost all my players are rookies," sabi ni Tigers coach Karl Santamaria. "I kept challenging my players to work hard and motivated them to overcome their lack of experience. And I’m glad that they responded. This is my best coaching stint with UST."

Tinalo ni James Cañete si league veteran Nathaniel Guadayao, 7-6, 5-7, 6-5 (retired) sa unang singles na sinundan naman nina Wilbur Orillano at Alexander Diego ng 6-1, 6-0 rout laban kina Jeremiah Sison at James Pang para sa 2-0 lead bago ang 6-3, 3-6, 7-6 panalo ni Ryan Repunte kay Eufracio Dimayuga.

Kinailangang isugod si Repunte sa malapit na ospital dahil sa matinding leg cramps at dehydration pagkatapos ng laban na tumagal ng tatlong oras.

Ang huling dalawang matches-- singles at doubles ay hindi na inilaro at ipinagkaloob na sa Uste ang titulo na nakuha ng La Salle noong nakaraang taon.

Nagkasya ang UP sa second place sa kanilang 4-2 win-loss card sa likod ng 5-0 ng UST, habang ang UE (1-4) at Ateneo (0-5) ay third at fourth, ayon sa pagkakasunod sa men’s contest.

Sa women’s side, tumapos ang UST ng 4-0 para sa season tungo sa kanilang ikatlong league title mula noong 2002.

Ang unang panalo ng Uste ay kay Martina Rivero laban kay Ana Ysabel Soriano, 6-3, 6-3 na sinundan nina Ara Micayabas at Kwin Bilugan kontra kina Karen Guillermo at Micah Valenzuela, 6-0, 3-6, 6-4 at tinapos nina Angel Macatangay, May Herrera at Kathy Casto ang pananalasa ng Tigresses, laban sa UP na nagkasya bilang runner-up sa kanilang 2-2 record.

Si Orillano ang men’s Most Valuable Player (MVP) at sina James Cañete at Ryan Repunte ang Rookies of the Year. Si Micayabas ang women’s MVP.

ALEXANDER DIEGO

ANA YSABEL SORIANO

ANGEL MACATANGAY

ARA MICAYABAS

EUFRACIO DIMAYUGA

JAMES CA

JAMES PANG

JEREMIAH SISON

KAREN GUILLERMO

RYAN REPUNTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with