Lamang ng malaki ang Denver, at mahigit isang minuto na lamang ang nalalabi. Nagkasalubong sa isang drive-in play ang dalawang player at nagkapormahan. May nagpalitan ng suntok at nagkaawatan.
Tapos na ang gulo nang makisuntok si Anthony at biglang nanakbong parang duwag. Dahil dio, sinuspindi siya ng liga at nawalan ng mahigit $640,000 na suweldo. Bumalik lamang siya noong ika-22 ng Enero.
Nang maglabasan na ang mga pangalan ng starting five ng East at West All-Stars, kapansin-pansing wala ang pangalan ng Nuggets na sina Anthony at Allen Iverson.
Sa katunayan, wala rin ang pangalan ni Steve Nash at mga kakampi niya sa nangungunang Phoenix Suns.
Subalit siguradong hihirangin sila ng mga coach.
Sa NBA, ang mga head coach ang pipili ng kabuuan ng line-up para sa All-Star Game.
Ayon sa mga patakaran, iboboto naman nila ang dalawang guard, dalawang forward, isang sentro at dalawa pang player na naglalaro ng kahit anong posisyon.
Totoo nga, laglag pa rin si Melo. Wala siyang nakuhang sapat na boto mula sa mga coach upang makapasok sa All-Star Game. Malamang ito ay reaksiyon ng mga coach sa ginawa niya sa New York.
Subalit may lusot pa si Anthony dahil may mga hindi makakapaglaro sa West All-Stars, tulad nina Yao Ming ng Houston Rockets. Si Carlos Boozer din ng Utah Jazz ay malabong makalahok dahil sa injury. May iba pang maaaring ma-injure bago dumating ang All-Star Game. Sa ganitong pagkakataon, si NBA Commissioner David Stern na mismo ang pipili ng ilalagay sa kanilang puwesto.
Kung may sapat na ingay mula sa mga fans, baka maimpluwensiya si Stern na isama si Anthony sa line-up ng West. Tutal, makakabenta ito ng maraming jersey at iba pang merchandise para sa liga, hindi ba?
At gaganda pa ang tingin ng tao sa commissioner na kayang magpatawad ng player na nagkamali.
Kung kilala natin si Anthony, anuman ang maging sitwasyon, tatanggapin niya ang pagkakataong magpasikat sa All-Stars. Di bale nang panakip butas.