Misyon ng boxers at jins: mag-qualify muna bago pangarapin ang Olympic gold sa Beijing
February 3, 2007 | 12:00am
Kapwa sinabi nina Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) president Manny Lopez at ng kanyang Philippine Taekwondo Association (PTA) counterpart Robert Aventejado na magsisimula ang paghahangad ng mailap na Olympic gold sa mga qualifying tournaments ng 2008 Summer Games.
Panauhin ang dalawa sa lingguhang SCOOP sa Kamayan session sa Padre Faura, Manila kahapon.
"We still need to go over several qualifiers to become part of the team to the Beijing Olympic Games. Pagqualify pa lang, malaking bakbakan na," sabi ni Aventajado sa session na sponsored ng ACCEL at TeleTech.
"Its useless to talk about the Olympics kung hindi naman tayo makaqualify," wika naman ni Lopez. "We first have to hurdle a qualifying system bago tayo mag-isip tungkol sa Beijing Olympics."
Ang dalawang sports ay ang mga malalaking prospects kung saan makukuha ng bansa ang pinapangarap na Olympic gold medal.
Ang taekwondo ay may dalawang qualifying events na gaganapin sa London sa Sept. 25-30 (world level) at Vietnam sa November (continental level).
Sinabi din ni Aventajado, chairman ng Philippine Olympic Committee (POC), na ang bawat bansa ay pinahihintulutan lamang ng apat na entries sa Olympics-- tigalawang babae at lalaki na sasabak sa walong events (under-58, under-68, under-80 at over-80 sa men at under-49, under-57, under-67 at over-67 sa women).
Ang Doha Asian Games silver medallist na si Antoinette Rivero ang sinasabing pangunahing pag-asa ng bansa para sa Olympic gold sa taekwondo, bagamat naniniwala si Aventajado na mayroon pang ibang atleta sa RP training pool na may kakayahan din.
"Ayokong sabihin na si Antoinette ang brightest hope ng taekwondo because I know for a fact, that there are other players who are also capable of doing it," sabi ng PTA president.
Samantala, may tatlong tsansa naman ang mga Filipino boxers na makapasok sa Beijing Games sa mga qualifiers na gaganapin sa Moscow, Russia sa November, dito sa bansa sa January o February at sa Bangkok sa June.
"Were very fortunate that were given the chance to host one of the qualifiers, kaya medyo maganda ang tsansa natin," sabi ni Lopez na nakakuha ng dalawang gold at dalawang bronze medals sa 15th Doha Asiad sa pangunguna nina Joan Tipon at Violito Payla.
Nababahala lamang ang ABAP chief sa schedule dahil ang Olympic boxing qualifying sa Russia ay halos kasabay ng 24th Southeast Asian Games sa Nakhonratchasima, Thailand.
"Yun ang medyo worry namin kasi almost one week lang ang pagitan nung qualifying at tsaka yung SEA Games. Kaya hindi pa namin alam kung sino-sino ang ipapadala namin sa dalawang tournaments na yun," sabi ni Lopez.
Ang RP ang defeding champion sa boxing ng SEA Games.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended