5-6 boxers sa Olympics--Lopez
February 3, 2007 | 12:00am
Lima hanggang anim na boxers ang target ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) na maipadala sa Olympic Games na gaganapin sa Beijing, China sa 2008.
"Were eyeing five to six slots in the Beijing Olympics," ani ABAP president Manny Lopez na panauhin sa lingguhang SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura kahapon.
Ayon kay Lopez, base ito sa pagtatapos ng mga boxers sa Asian Games sa Doha, Qatar noong nakaraang taon kung saan nakadalawang gold at dalawang bronze ang mga Pinoy pugs.
Ang mga gold medalists ay sina featherweight Violito Payla at bantamweight Joan Tipon habang sina light flyweight Godfrey Castro at lightweight Genebert Basadre ang nagsubi ng dalawang bronze.
Seryoso ang ABAP na maihatid sa bansa ang kaua-unahang gintong medalya kaya isang Cuban coach ang kinukuha ng asosasyon para magtraining sa mga boxers.
Ayon kay Lopez, sinisikap nilang makuha ang serbisyo ni Julian Gonzales, ang responsable sa apat na golds, dalawang silvers at isang bronze ng Cuba sa Athens Games.
"Its still in the process right now, nothing is certain yet," wika ni Lopez.
Noong 2004 Athens Olympics apat na boxers ang kumampanya sa bansa na sina Payla, Harry Tanamor, Chris Camat at three-time Olympian Romeo Brin ngunit wala man lamang sa kanila ang nakarating sa quarterfinals.
Ang huling medalya ng bansa mula sa Olympics ay nanggaling kay Mansueto Onyok Velasco noong 1996 Summer Games sa Atlanta.
Si Raul Liranza, kasama ni Gonzales sa staff, ang mentor ni Velasco nang siya ay manalo ng silver medal.
Ngunit bago isipin ang Olympics, sinabi ni Lopez na kailangan munang magqualify ang mga boxers.
"Its useless to talk about the Olympics kung hindi naman tayo maka-qualify," ani Lopez. "We first have to hurdle a qualifying system bago tayo mag-isip tungkol sa Beijing Olympics."
Ang tatlong qualifying tournaments ay sa Moscow, Russia sa November, dito sa bansa sa January o February at sa Bangkok sa June.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended