Viloria may tsansang mabawi ang WBC light flyweight title
February 3, 2007 | 12:00am
May tsansa pa rin si Filipino Brian Viloria na mabawi ang nawala sa kanyang world light flyweight crown.
Ito ay matapos na ring hubaran ng World Boxing Council (WBC) ng titulo si Mexican Omar Nino dahilan sa pagiging positibo nito sa methamphetamine, isang illegal substance, na ginamit nito sa kanilang world title fight ni Viloria noong Nobyembre 18 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Sa naturang laban, labis na ipinagtaka ni Viloria ang pagiging matibay ni Nino sa kabila ng kanyang kaliwat kanang mga suntok.
Sa pagiging No. 1 contender ng 20-anyos na si Viloria, inagawan ng WBC light flyweight belt ni Nino noong Agosto ng 2006, sasagupain nito si No. 2 Edgar Sosa ng Mexico para sa naturang titulo.
Si Viloria, tinaguriang "The Hawaiian Punch", ay may 19-1 win-loss ring record matapos ang kanyang pagkatalo kay Nino sa kanilang rematch noong Nobyembre kasabay ng "Grand Finale" nina Manny Pacquiao at Erik Morales.
Nilinaw rin ng WBC na kailangang idepensa ng mananalo sa pagitan nina Viloria at Sosa ang kampeonato laban sa 30-anyos na si Nino.
"In light of the fact that the WBC believes that Nino did not voluntarily commit this infraction, and considering that his clean record has won him the trust of this organization ... we are declaring that Nino will be the challenger for whoever is the new champion," nakasaad sa sulat ng WBC.
Sinuspinde ng Nevada boxing regulators si Nino noong Disyembre makaraang maging positibo ito sa paggamit ng methamphetamine. Ito naman ay mariing pinabulaanan ng dating world boxing champion. (russell cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended