Nag-init si Caguioa
February 1, 2007 | 12:00am
Matapos saluhin ang posisyon ni Siot Tanquingcen bago magsimula ang torneo, ngayon pa lamang naranasan ni Jong Uichico ang tanyag na never-say-die attitude ng Barangay Ginebra.
"Never say die talaga ang Ginebra. Its the first time that Ive experienced it and they lived up to that motto of never say die," ani Uichico, nakakolekta ng 35 puntos, 3 assists at 2 rebounds kay Mark Caguioa para sa 110-103 pananaig ng Gin Kings sa Talk N Text Phone Pals sa Game 4 ng 2007 PBA Philippine Cup semifinal round kahapon sa Araneta Coliseum.
Ang nasabing panalo ang nagtabla sa Ginebra sa Talk N Text sa 2-2 sa kanilang best-of-seven semifinals series matapos matalo sa Game 2 at Game 3, 99-96 at 109-100, ayon sa pagkakasunod.
Matapos kunin ang third period, 77-75, isang 10-3 bomba ang inihulog ng Gin Kings, tampok rito ang dalawang magkahiwalay na 3-point shot ni Caguioa, para iwanan ang Phone Pals sa 87-79 sa 8:11 ng fourth quarter.
"We took good shots tonight and we took care of the rebound," wika ni Caguioa sa Ginebra, kumalawit ng kabuuang 54 rebounds, 20 rito ay buhat kay Rudy Hatfield, kumpara sa 46 ng Talk N Text. "Medyo nakontrol namin yung panggigigil namin nung nagmintis yung mga jumpers namin sa first half."
Sa likod ng tres ni MacMac Cardona at basket ni Harvey Carey, naidikit ng Phone Pals ang laro sa 84-88, 6:00 hminuto na lang ang oras sa laro bago ang 10-4 atake ng Gin Kings para sa 98-88 abante sa huling 3:13 nito mula sa jumper ni Caguioa.
Tuluyan nang sinelyuhan ng Ginebra ang kanilang tagumpay matapos muling itala ang isang 10-point lead, 104-94, sa nalalabing 1:43 ng laro galing sa isang jump hook ni Caguioa at jumper ni JayJay Helterbrand.
"If we have fallen 1-3, sa palagay ko delikado na talaga kami," sabi ni Uichico, nagmula sa San Miguel bago nalipat sa Ginebra. "Guts and heart lang talaga ang nagdala sa amin sa panalo.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang San Miguel at Red Bull kung saan lamang ang Beermen sa kanilang sariling best-of-seven semis series sa 2-1.(RUSSELL CADAYONA)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended