Subalit ang dalawa niyang mintis na freethrows kahapon ang nagpaguho sa pag-asa ng mga Super Sealers na makatuntong sa semifinal round.
Ang nasabing dalawang tumalbog na charities ni Misa ang nagresulta sa isang lay-up ni Jim Viray para itawid ang Mail & More sa Sista, 53-52, sa kanilang do-or-die game sa quarterfinals ng 2007 PBL Silver Cup sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.
Ang panalo ng Comets, nagbulsa ng twice-to-beat incentive sa quarterfinals kontra Super Sealers bilang No. 2 team sa classification phase, ang nagtakda sa kanilang best-of-five semifinals showdown ng naghihintay na Hapee-PCU.
Ang Toyota Otis at Harbour Centre naman ang maghaharap sa isa pang semis series na hahataw bukas sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Taft Avenue.
"I will have to give credit sa mga players ko for hanging in there," ani coach Lawrence Chongson sa nasabing tagumpay ng Mail & More, ang tanging koponang nakapaglista ng isang six-game winning streak bago nakatikim ng dalawang sunod na kabiguan.
Makaraan ang magkabilang mintis ng dalawang tropa, nailagay sa freethrow line si Misa sa huling 9.6 tikada para sa Sista na siya nitong parehong iminintis patungo sa lay-up ni Viray para sa 53-52 bentahe ng Mail & More sa natitirang 2.4 segundo.
Muling napasakamay ni Misa ang bola para sa Super Sealers na naagaw naman ni 6-foot-5 JR Quiñahan ng Comets kasabay ng pagtunog ng buzzer. (RC)