^

PSN Palaro

SMBeer angat uli

-
Kung naging malambot ang San Miguel Beer sa Game 2, tinapatan na nila ang physical game ng Red Bull Barakos sa Game 3.

Ang resulta nito ay ang malaking 109-82 paggupo ng Beermen sa Bulls sa Game 3 para iposte ang kanilang 2-1 bentahe sa 2007 PBA Philippine Cup semifinals series kahapon sa Araneta Coliseum.

"Iyon kasi ang nang-yari sa Game 2 eh, we were intimidated by their physical defense as well as their physical game. I told them not to back down and be prepared to dish it and be prepared to take it," bilin ni mentor Chot Reyes sa San Miguel, nabigo sa Game 2 via 84-106.

Ito na ang pinakama-samang kabiguan ng Red Bull matapos ang kanilang 68-102 pagyukod sa San Miguel sa Game 3 ng 2002 PBA Commissio-ner’s Cup.

Limang ulit nagkainitan ang mga Beermen at ang mga Bulls sa fourth quar-ter, kasama rito ang pag-kakatalsik ni two-time Most Valuable Player Danny Ildefonso mula sa kanyang ikalawang tech-nical foul sa 8:44 nito mula sa sagutan nila ni Rico Villanueva, lamang ang San Miguel sa Red Bull sa 87-71. 

"From now on if they will play physical, we will make a stance. Matira na ang matibay rito," sabi ni Reyes, nakahugot ng 27 marka at 10 boards kay Danny Seigle kasunod ang 16 puntos ni Ildefon-so, tig-12 nina Romel Ad-ducul at Dondon Hontive-ros, 11 ni Olsen Racela at 10 ni Wesley Gonzales.

Hindi naman maawat si Racela nang makatikim ito kay Junthy Valenzuela ka-sabay ng kanyang isinalpak na 3-point shot para sa 102-75 abante ng Beermen, 3:28 sa laro.

"I can understand why Olsen reacted that way. He already suffered a broken nose, kaya medyo nasak-tan siya sa foul ni Junthy," ani Reyes. "I don’t know if it is accidental or incidental on the part of Junthy."

Ang four-point play ni Racela kay Valenzuela, nalimitahan sa 9 puntos matapos kumabig ng 22 sa Game 2, ang nagbigay sa San Miguel ng 103-75 bentahe sa huling 3:28 nito. (R-Cadayona)

ARANETA COLISEUM

BEERMEN

CHOT REYES

DANNY SEIGLE

DONDON HONTIVE

GAME

JUNTHY

RED BULL

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with