Ang nasabing tagumpay ng Sista ang nagtakda sa kanilang do-or-die game ng Mail & More, nagbitbit ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals, sa Martes kung saan ang mananalo ang makakaharap ng naghihintay na Hapee-PCU sa best-of-five semifinals series.
Matapos ang split ni Marvin Yambao para sa 72-77 agwat ng Comets, 26.3 tikada sa labanan, isang offensive rebound naman ni Marcy Arellano buhat sa kanyang dalawang mintis na free-throws ang muling nagbigay ng bola sa Super Sealers para sa dalawang charities ng UE Red Warrior para sa kanilang 79-72 lamang, 13.7 segundo rito.
Sa unang laro, isang tres naman ni Ryan Arana ang nag-akay sa Harbour Centre sa 86-83 overtime victory kontra Cebuana upang makaharap ang naghihintay na Toyota Otis sa semis.
Ang triple ni Arana ang naglayo sa Port Masters, naghari sa nakaraang PBL Unity Cup laban sa Sparks, sa 84-83 sa huling 25.5 segundo sa extension matapos ang jumper ni Moneyman Doug Kramer.
Sinelyuhan ni Jonathan Fernandez ang nasabing tagumpay ng Harbour Centre mula sa kanyang dalawang freethrows para sa kanilang 86-83 bentahe kontra Cebuana Lhuillier, naipuwersa ang laro sa overtime mula sa tres ni Ken Bono sa 29.8 segundo ng fourth quarter, sa natitirang 3.3 tikada.(RC)