^

PSN Palaro

Harbour Centre sa semis na

-
Humakot si Khiel Misa ng 10 sa kanyang 16 puntos sa final canto upang tulungan ang Sista Super Sealers sa 79-72 panalo kontra Mail & More at itulak sa isang playoff game ang kanilang agawan para sa ikaapat na semifinals seat sa 2006 PBL Silver Cup kahapon sa Olivarez Sports Center.

Ang nasabing tagumpay ng Sista ang nagtakda sa kanilang ‘do-or-die’ game ng Mail & More, nagbitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals, sa Martes kung saan ang mananalo ang makakaharap ng naghihintay na Hapee-PCU sa best-of-five semifinals series.

Matapos ang split ni Marvin Yambao para sa 72-77 agwat ng Comets, 26.3 tikada sa labanan, isang offensive rebound naman ni Marcy Arellano buhat sa kanyang dalawang mintis na free-throws ang muling nagbigay ng bola sa Super Sealers para sa dalawang charities ng UE Red Warrior para sa kanilang 79-72 lamang, 13.7 segundo rito.

Sa unang laro, isang tres naman ni Ryan Arana ang nag-akay sa Harbour Centre sa 86-83 overtime victory kontra Cebuana upang makaharap ang naghihintay na Toyota Otis sa semis. 

Ang triple ni Arana ang naglayo sa Port Masters, naghari sa nakaraang PBL Unity Cup laban sa Sparks, sa 84-83 sa huling 25.5 segundo sa extension matapos ang jumper ni Moneyman Doug Kramer.

Sinelyuhan ni Jonathan Fernandez ang nasabing tagumpay ng Harbour Centre mula sa kanyang dalawang freethrows para sa kanilang 86-83 bentahe kontra Cebuana Lhuillier, naipuwersa ang laro sa overtime mula sa tres ni Ken Bono sa 29.8 segundo ng fourth quarter, sa natitirang 3.3 tikada.(RC)

CEBUANA LHUILLIER

HARBOUR CENTRE

JONATHAN FERNANDEZ

KEN BONO

KHIEL MISA

MARCY ARELLANO

MARVIN YAMBAO

MONEYMAN DOUG KRAMER

OLIVAREZ SPORTS CENTER

PORT MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with