Walang kalawang!
January 27, 2007 | 12:00am
Bago nagsimula ang best-of-seven semifinal round ng Talk N Text-PBA Philippine Cup, kapwa may agam-agam sa dibdib nina San Miguel Beer coach Vincent "Chot" Reyes at Barangay Gineb-ra mentor Joseph Uichico hinggil sa mahabang bakasyon ng kani-kanilang mga koponan.
Nag-alala ang mga ito na baka kinalawang ang kanilang tropa dahil isang buwan silang hindi nakapaglaro ng actual games samantalang ang kanilang makakatagpo ay medyo batak na dahil nanggaling sa quarterfinals kung saan tinalo ang magkahiwalay na kalaban, 3-1.
At sa quarterfinals nga ay nakitang bahagyang kinalawang ang Talk N Text at Red Bull na natalo sa kanilang unang games kontra Purefoods Chunkee at Sta. Lucia Realty. Pero matapos ang initial na pagkabigong iyon sa Game-One ay nagwagi naman sila sa sumunod na 3-laro at hindi na pinaporma pa ang kalaban.
Iyon ang worry ng Beermen at Gin Kings. Ayon nga kay Uichico, "Kung makakalusot kami sa Game-One, maganda na iyon. Kailangang maipagpag kaagad namin ag kalawang."
Puwes, kahit na hindi nakapaglaro sa Gin Kings ang superstar na si Eric Menk na may foot injury, dinurog ng Barangay Ginebra ang Talk N Text, 115-100 sa Game-One noong Miyerkules. Magandang puhunan na rin iyon para sa kanila dahil sa mabuti na nga naman yung nakakauna. Ibig sabihin, ang Talk N Text ang siyang puwersadong magsagawa ng adjustments tungo sa Game-Two. Ibig ding sabihin, walang dapat na ikabahala hinggil sa kalawang.
Ito naman si coach Reyes ay medyo naninibago sa sitwasyong pinasukan niya. Kasi ngay dalawang taon din siyang hindi nagcoach ng team sa PBA dahil sa nagconcentrate siya sa Philippine pool at noong huli siyang magcoach sa Coca-Cola, wala namang automatic semifinalists sa format ng torneo.
Kaya naman sa dulo ng elimination round, tila aligaga pa itong si Reyes na nais pa sanang dumaan muna sa quarterfinals para lang masiguradong nasa game shape ang kanyang mga bata.
Pero itinadhana ngang makadiretso sa semifinals ang San Miguel matapos na magtala ng 13-5 record na tulad ng sa Barangay Ginebra sa pagtatapos ng elimination round. So "forced to good" na silang mabakasyon.
Well, medyo slow start nga ang nangyari sa Beermen sa Game-One dahil sa naghabol sila sa loob ng tatlong quarters bago tuluyang naungusan ang Barakos, 114-109. Ang panaloy itinala kahit na itinapon nila nang 26 beses ang bola para sa isang conference-high sa turnovers.
Pero okay na rin iyon. Bagamat kinalawang, abay nanalo pa ang San Miguel. Ano pa ba naman ang hahanapin ni Reyes?
Maganda ang naging simula ng Beermen at Gin Kings.
Maganda rin kaya ang maging katapusan?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am