^

PSN Palaro

Phone Pals bumawi

-
Halos maghapong nag-asaran sina Mac-Mac Cardona at Mark Caguioa. Subalit sa huli, nakuha ni Cardona ang huling halakhak.

Isang three-point shot ni Cardona sa huling 1.1 segundo ang nagtakas sa 99-96 panalo ng Talk ‘N Text kontra Barangay Ginebra para itabla sa 1-1 ang kanilang semifinals series sa 2007 PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.

Humakot ang dating La Salle  Green Archer ng 21 puntos, 4 rebounds, 2 assists, 2 steals at 1 shotblock upang ibigkis ang Phone Pals sa Gin Kings sa 1-1 sa kanilang best-of-seven semifinals showdown.

 Inangkin ng Ginebra ang Game 1 buhat sa kanilang 115-100 panalo, tampok ang ipinosteng 29-point lead sa third canto.

"Alam kong papasok ‘yung bola kasi naramdaman ko na ‘yung rhythm at ang dami kong mintis before that shot. Siguro maganda rin ‘yung bitaw ko," ani Cardona, tumipa rin ng 3-for-6 shooting clip sa 3-point range, matapos pakawalan ang kanyang winning basket mula sa pasa ni Jimmy Alapag.

Bago ang naturang kabayanihan ng dating La Salle Green Archer, inilista muna ng Talk ‘N Text ang isang 15-point advantage, 74-59, sa 5:54 ng third period mula sa magkakabit na tres nina Cardona at Alapag.

Sa likod nina Caguioa, kumolekta ng 31 marka, 8 boards at 5 assists, at Rafi Reavis, naitabla ng Ginebra ang labanan sa 96-96 sa huling 59.9 segundo ng fourth quarter.

Ang mintis nina Cardona para sa Phone Pals at Jay-Jay Helterbrand, nagposte ng isang triple-double (15 puntos, 10 rebounds at 10 assists), para sa Gin Kings sa sumunod na sandali ang nagresulta sa time out ni coach Derrick Pumaren.

Samantala, inilunsad kagabi ng PBA sa Padi’s Point sa Timog, Quezon City ang "After Play-Off Party", isang marketing activity na nagpopromote sa playoffs kung saan makakasalamuha ng mga fans ang paborito nilang mga PBA players sa ilang bars sa Metro Manila. (Russell Cadayona)

AFTER PLAY-OFF PARTY

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

DERRICK PUMAREN

GIN KINGS

GINEBRA

GREEN ARCHER

JAY-JAY HELTERBRAND

N TEXT

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with