Tigers sumingasing sa UAAP netfest

Tinapos ng University of Santo Tomas (UST) ang unang round ng tennis competitions ng UAAP Season 69 sa pamamagitan ng dalawang impresibong panalo sa Rizal Racket Club Pasig City nitong weekend.

Pinaghirapan nina Ryan Repunte, James Canete at doubles partners Wilbur Orillano at Alexander Diego ang pinaghirapang 3-2 panalo laban sa University of the Philippines (UP) para sa Tigers para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa men’s division.

Bumagsak ang UP sa second place na may 2-1 card.

Sa iba pang men’s game, bumawi ang University of the East (UE) sa dalawang sunod na talo matapos igupo ang Ateneo, 4-1. Nasa ikatlong puwesto ang Warriors na may 1-2 record, habang ang Ateneo ay fourth na may 0-3.

Kahanga-hanga naman ang performance ng UST sa women’s division ng tenis matapos pasadsarin ang Ateneo, 4-1, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Natikman naman ng UP ang unang panalo sa women’s side laban sa Ateneo, 3-2.

Nanalo din ang UST sa Ateneo sa volleyball sa Blue Eagles, 18-25, 26-24, 25-19, 25-21.

Pinabagsak naman ng Far Eastern University (FEU) ang UE, 25-18, 25-14, 25-14, para sa ikapitong panalo sa walong laro.

Sa men’s volleyball, sumulong ang FEU sa ikawalong panalo nang kanilang blangkuhin ang Ateneo, 25-14, 26-24, 25-23 habang tinalo din ng UP ang National University, 25-19, 25-15, 25-21 para kunin ang second place na may 7-1 win-loss record. Tinalo naman ng UE ang Adamson University, 25-16, 25-19, 25-23, para sa ikalawang panalo sa siyam na laro.

Show comments