Sa ikalawa at huling araw ng pakikipagpulong ng mga opisyal ng SBP sa pangunguna ni 3-man panel chairman Manny Pangilinan kasama sina PBA Chairman Ricky Vargas, PBA Commissioner Noli Eala, at PLDT Executive Al Panlilio, positibo ang naging resulta nito.
Ngunit iginiit pa rin ng FIBA ang napagkasunduan sa Joint Communique na pinirmahan ng FIBA at basketball stakeholders ng bansa noong Agosto, 2006.
Ang FIBA at kinatawan nina president Bob Elphinston, Secretary General Patrick Baumann, Former Secretary General Boris Stankovic, at FIBA Executive Assistant Samia Odell.
Ibinalita ng SBP officials ang ginawang aksiyon ng 3-man panel at ang nakatakdang unity congress sa Pebrero 5 na inaasahang magiging daan sa unification ng basketball sa bansa na sa kasalukuyan ay may dalawang grupo, ang Basketball Association of the Philippines at ang Pilipinas Basketball.
Tumagal ng 2-oras ang meeting na umikot sa pagpapabilis ng unification efforts. (MBalbuena)