^

PSN Palaro

Positibo ang FIBA-SBP meeting

-
Sinabi ng International Basketball Federation na bigyan ng importansiya ang ‘Unity Congress’ na itinakda ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) upang maayos na ang problema ng bansa tungo sa pagbawi ng FIBA ng suspension.

Sa ikalawa at huling araw ng pakikipagpulong ng mga opisyal ng SBP sa pangunguna ni 3-man panel chairman Manny Pangilinan kasama sina PBA Chairman Ricky Vargas, PBA Commissioner Noli Eala, at PLDT Executive Al Panlilio, positibo ang naging resulta nito.

Ngunit iginiit pa rin ng FIBA ang napagkasunduan sa Joint Communique na pinirmahan ng FIBA at basketball stakeholders ng bansa noong Agosto, 2006.

Ang FIBA at kinatawan nina president Bob Elphinston, Secretary General Patrick Baumann, Former Secretary General Boris Stankovic, at FIBA Executive Assistant Samia Odell. 

Ibinalita ng SBP officials ang ginawang aksiyon ng 3-man panel at ang nakatakdang ‘unity congress sa Pebrero 5 na inaasahang magiging daan sa unification ng basketball sa bansa na sa kasalukuyan ay may dalawang grupo, ang Basketball Association of the Philippines at ang Pilipinas Basketball.

Tumagal ng 2-oras ang meeting na umikot sa pagpapabilis ng unification efforts. (MBalbuena)

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BOB ELPHINSTON

CHAIRMAN RICKY VARGAS

COMMISSIONER NOLI EALA

EXECUTIVE AL PANLILIO

EXECUTIVE ASSISTANT SAMIA ODELL

FORMER SECRETARY GENERAL BORIS STANKOVIC

INTERNATIONAL BASKETBALL FEDERATION

JOINT COMMUNIQUE

MANNY PANGILINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with