Menk paghahandaan ng Talk N Text sa semis
January 23, 2007 | 12:00am
Katulad ng kanilang ginawang paghahanda kay Marc Pingris ng Purefoods, nasa plano rin ng Talk N Text ang depensa kay Barangay Ginebra power forward Erik Menk.
"I cannot assume until hes there. Ang preparation ko ay yung present siya sa Ginebra," ani coach Derrick Pumaren sa gagawing depensa ng kanyang Phone Pals maglaro man o hindi si Menk sa Gin Kings sa kanilang semifinals showdown para sa 2007 PBA Philippine Cup.
Napaulat nasangkot ang 6-foot-5 na si Menk sa isang gulo sa isang bar sa The Fort sa Taguig City noong nakaraang linggo kung saan sinasabing nabugbog siya ng isang grupo ng mga kalalakihan dahilan umano sa babae.
"Maglaro man siya o hindi talagang may defensive play na kami just for him. Like sa nangyari sa series namin ng Purefoods. We assumed the maglalaro pa rin si Marc Pingris after suffering a broken nose in Game 1," ani Pumaren.
Winakasan ng Phone Pals ang kanilang best-of-five quarterfinals series ng nagdedepensang Giants sa 3-1 para makaharap ang Gin Kings sa best-of-seven semifinals wars na magsisimula bukas sa Araneta Coliseum.
Inamin naman ni Ginebra mentor Jong Uichico ang nangyari kay Menk ngunit sinabi nitong isang matandang right calf muscle injury ang nalasap ni Menk.
"His status is day-to-day. We really cant tell if he can play in the semifinals," sabi ni Uichico kay "Major Pain", isa sa mga naging sandata ng Gin Kings sa pag-angkin sa No. 1 seat sa semis mula sa kanilang 13-5 rekord.
Sa kanilang paghaharap sa semis, tangan ng Talk N Text ang 2-0 win-loss record laban sa Ginebra sa classification phase matapos maglista ng 113-98 panalo noong Nobyembre 12 at 115-104 tagumpay noong Araw ng Pasko.
Samantala, magtatagpo naman ang San Miguel Beer at ang Red Bull Barakos, binigo ang Sta. Lucia Realty, 3-1, sa kanilang best-of-five quarterfinals series. (R.Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended