^

PSN Palaro

Malapit na sa homestretch

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Sa Miyerkules o sa Biyernes, depende sa kinalabasan ng Game Four ng quarterfinals kagabi, ay mapapasabak na muli ang San Miguel Beer at Barangay Ginebra sa aksyon sa simula ng best-of-seven semifinal round ng Talk N Text-PBA Philippine Cup.

Isang buwan din ang naging pahinga ng Beermen at ng Gin Kings na huling naglaro noong December 25. Mahaba-haba din ang kanilang naging pahinga.

Kinalawang ba sila?

Inamin nina coach Vincent Chot Reyes ng San Miguel at Joseph Uichico ng Ginebra na inisip din nilang maglaro sa ibang bansa para maging aktibo. Iba na nga naman yung may kalabang ibang team kaysa sa sila-sila lang ang nagtutuos sa ensayo.

Pero hindi iyon nag-materialize.

Nagkaganoon man, kinatatakutan pa rin ang Beermen at Gin Kings dahil sa solid na line-up nila. Okay na rin yung nakapagpahinga kaysa sa nabugbog sa haba ng rutang daraanan tungo sa semifinal round.

Sa ngayon siguro, ang worry nina Reyes at Uichico ay kung ano ang ipapakita nila sa Game One ng semis. A dahil ditoy babalikan nila ang naganap sa Game One ng quarterfinals kung saan nakapagposte ng panalo ang Sta. Lucia Realty at Purefoods Chunkee Corned Beef na kapwa kaunti lang ang naging pahinga.

Heck, wala ngang pahinga ang Sta. Lucia na dumaan sa dalawang playoffs at sa wild card phase subalit tinalo nito ang Red Bull Barako sa Game One, 96-89. Ang Purefoods, na tumalo sa Realtors sa playoff para sa ikatlong automatic quarterfinals berth, ay nagwagi din laban sa Talk N Text, 87-84 sa Game One.

So, para bang ipinahihiwatig ng mga kaganapang ito na may kaunting bentahe ang mga teams na batak sa laban sa mga nagpahinga kung Game One ang pag-uusapan. Pero kapag lumabas na ang natural ng mga teams, makakabawi ang nakapagpahinga!

Pero kung iisipin ng Beermen at ng Gin Kings na galing din naman sila sa matinding ensayo at lalaruin lang nila ang tunay nilang potential, baka mabura nila ang bahagyang bentahe ng mga koponang makakatunggali nila sa semifinals.

At kung makapagpoposte ng 1-0 bentahe ang San Miguel Beer at Barangay Ginebra sa semifinals, abay mahihirapang gumawa ng adjustments ang kanilang kalaban na galing sa mas mahabang ruta. Kasi nga, hindi lang katawan ang napagod sa mga ito kundi pati na rin ang isipan!

San Miguel at Ginebra na rin kaya ang magkikita sa championship round?
* * *
HAPPY birthday kay Francis Asensi na nagdiwang noong Enero 18.

ANG PUREFOODS

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

FRANCIS ASENSI

GAME ONE

GIN KINGS

PERO

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with