^

PSN Palaro

SBP officials nag-report sa FIBA

-
Opitimistiko ang grupo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pangunguna ni Manny Pangilinan, Chairman ng 3-man panel na magiging matagumpay ang kanilang pagpupursigi sa ‘unification para mawala ang suspension sa bansa ng International Basketball Federation na hiniling nilang makialam na ang FIBA upang maayos na ang gulo sa basketball dito sa bansa.

Ito ang naging resulta ng pagtungo ng SBP dele-gation sa FIBA headquarters sa Geneva, Switzerland upang makipagkita sa mga opisyal ng FIBA noong Biyernes na tumagal ng dalawang oras.

Ang FIBA ay kinatawan nina FIBA Secretary-General Patrick Baumann at FIBA Executive Assistant Ms. Samia Odell habang kasama naman ni Pangilinan sina dating Basketball Association of the Philippines president at 3-man panel member Senator Jinggoy Estrada, PBA Chairman Ricky Vargas, PBA Commis-sioner Noli Eala, at PLDT executive Al Panlilio.  

Siniguro naman ni Baumann sa SBP group na hindi pa rin nakakalimutan ng FIBA ang ‘Joint Communique’ ng Pilipinas Basketball at BAP sa Tokyo noong nakaraang taon at binigyang diin na kritikal ang pagsunod sa usapang ito para maayos ang problema sa bansa.

"We came to Geneva to report personally to Mr. Baumann what the 3-man panel has accomplished so far in accordance with the Tokyo Agreement as well as to open direct communication lines with the FIBA. I am happy to report that we have achieved both," ani Pangilinan. " The FIBA can be likened to a regulator which needs to provide direction either through persuasion or firm decision in order to imple-ment agreements. This is the best, if not the fastest, way to regain our accreditation. It is a point that Mr. Baumann endorses," dagdag ni Pangilinan.

Ipinagbigay alam na ng SBP delegation kay Baumann ang pagpapatawag ng Unity Congress sa mga stakeholders ng Basketball sa February 5.

Ayon sa dating BAP head, siniguro ni Estrada kay Baumann na pipilitin nitong masunod ang Joint Communique kahit sinibak siya sa BAP bilang presidente.

Magkakaroon ulit ng meeting sa Geneva kasama sina FIBA President Bob Elphinston at dating Secretary-General Boris Stankovic ni Baumann at Ms. Odell sa diskusyon.

vuukle comment

AL PANLILIO

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BAUMANN

CHAIRMAN RICKY VARGAS

FIBA

INTERNATIONAL BASKETBALL FEDERATION

JOINT COMMUNIQUE

MANNY PANGILINAN

MR. BAUMANN

PANGILINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with