Naglabas ng P200 si coach Kiko Diaz na iniabot sa third base umpire Virgilio Aguila sa pagtatapos ng third inning na kanyang pang-inis na nabayaran umano ito kung kayat tumawag ng illegal pitch laban sa pambato niyang pitcher na si Dione Macasu.
Ang illegal pitch ay ginawa habang papalo si Cloiene Muyco pero nagdesisyon din ang bench na palakarin na lamang ito upang magkaroon ng loaded base situation at si Nelsa Delagente ang papalo.
Isang malakas na palo ang ginawa ni Delagente at umabot ang bola sa center field upang makapagtala ng unang Grand-slam sa liga at ang naunang 3-6 paghaha-bol ng Adamson ay naging 7-6 pabor sa kanila.
Ang aksyon ng mentor ay nakasira sa konsentrasyon ng kanyang manlalaro lalo na si Macasu na nagbigay pa ng tatlong homeruns kina Sarah Agravante, Yocel Aguilar at Chat Dichon sa sumunod na dalawang innings upang lumawig sa 11-6 ang kalamangan na siya ring naging pinal na iskor.
Bunga nito ay nawalis ng three time defending champion ang apat na laro sa unang ikutan at kailangan na lamang na ma-duplika ito sa second round upang awto-matikong makuha ang kampeonato. Ang kabiguan ay nagwakas sa tatlong sunod na panalo ng UP na nasa 2nd place na. (AT)